jump to navigation

Ang Pinakamalanding Tagpo ni Criselda at Piolo Pascual January 25, 2010

Posted by damdamn in damdam sulatsulat, damdam tangatanga.
9 comments

Birthday ng Lola ko, at napagisipang kumain na lang sa labas. As usual, Eastwood na naman. Napili naming ang kumain na lang ng dinner sa Serye. Pebrero pa, maginaw pero gaya ng madalas, naka dress pa rin ako. Walang paki sa lamig ng mga nalalabing araw ng nakaw na ginaw ng Pinas mula sa mga natutunawang nyebe ng mga karatig bansa. At shempre para kikay!

Tapos na. Naka pag order na ng mga paboritong putaheng pinoy; crisy pata, kare-kare, pinakbet, sinigang, at kung anu-ano pa. Busog na rin ang halos lahat, at sinimulan ng umorder ng panghimagas. At natural di ako umorder ng dessert. Iniisip ko kung paano makakasibat sa mesa para makapag bisyo.

Naisip kong magkunwaring may tatagpuing kaibigan sa may KFC. Malapit lang yun kung tutuusin. Sakto lang para matuloy ko ang masama kong balak sa baga ko. Nag paalam na ako, at gaya ng binalak na kasinungalingan, tagumpay, naka lusot ako sa mga tiyahin ko, pinsan, at lola. Muntik pang binalak ng isa na sumama, sabi ko wag na lang kasi nakakahiya dun sa katatagpuin ko. Kasinungalingan! Haha!

Habang naglalakad ako, kabilis ng karma nga naman. Wala akong lighter! Hinayaan ko na lang na makarating ang mga paa ko sa tapat ng KFC, malamang may lung center din dun. Baka may naninigarilyo din, at makakasindi rin ako. Pero ayun nga mabilis ang karma sa akin. Ang naabutan ko ay mga kababaihan na nasa labas na wari mo ay may inaabangan sa labas ng KFC.

Umupo na lamang ako sa may ledge malapit sa may harapan ng KFC. Nakita ko ang poster nila ng yogurt drink nila. Fine! Di na lang ako maninigarilyo. Bibili na lang ako drink as my dessert. Kaya, pumunta ako sa pinto, nakipag usap sa guardya na papasukin ako dahil bibibili ako at wala akong paki sa kung anong nandun sa loob que se hodang kung sino pa yan. Wala akong nakikitang Close na sign at customer ako so bibili ako. Wala syang nasabi pa. Pinapasok nya ako. Pumila na ako, pang-apat ata ako sa pila. Maya-mayang onti napansin ko, may nadagdagan sa pila at naging pang-lima na ako. Shempre, dala ang kasungitan ko, nasabi ko na lang ay “Huwaw nice, kanina pang apat ako, tapos nagging panglima na ngayon”. Pero kunwari may ka text pa rin ako. Alam kong nakatingin na sa akin ang mga tao sa paligid. At shempre wala pa rin akong paki, sabay evil smirk.

Nabawasan ang pila. Naging pang apat agad ako. May pumunta sa likod ko.

“Miss, sorry”
“Yes?” Hindi pa rin ako lumilingon.
“Im sorry, dapat pumila ako”
Tipid ang sagot ko “Oo nga, dapat nga naman”

Lumingon ako sa kanya, para ngumiti. Pero mas maganda ang ngiti nya sa akin pabalik. Nakatitig lang si Piolo. Nabura ang ngiti ko. Nahiya ako. Taena! Ang gwapo!

Ang dami nyang tanong; kanina pa ba daw ako naka pila, mag isa lang daw ba ako, may mesa na daw ba ako, share na lang daw kami. Nung ako na ang nasa harap ng counter, pinag isa na lang nya yung order namin. Siguro nag mamadali rin ang Piolo. He ordered gogo sandwich lang. Inabot ko na lang sa kanya yung 100 pesos para sa bayad ko sa drink ko. Ok, di nya tinanggap. Bilang peace offering na lang daw. Nag pasalamat ako at nag lakad palabas ng pinto.

Humabol sya. Oo teh, humbol sya.
“Hindi ko pa natatanong pangalan mo”
Parang tumigil ang palig sa pag galaw. May hangin na umiihip sa buhok kong biglang nagging mahaba. Nagkaraoon ng Gausian Blur ang background, sabay focus ng camera sa amin.Dun ko narealize na nanaginip lang ako. Fine. Kung panaginip ito, makikipag laro na ako. Kapalan ng mukha.

Bumalik sa normal ang kilos ng mundo.
“Hindi ko pa natatanong pangalan mo”
Tumigil ako at lumingon pabalik. Hindi ko alam na naghahabol pala sya, kaya ng lumingon ako, halos magbanggaan kami. TEH! Close! As in, super close. Buti di ako nag yosi kaya amoy normal pa hininga ko.
“Criselda”
“Im Piolo”

Pa-cute akong tumawa. Pero sa isip-isip ko “e taena pala neto e, malamang! Sino bang hindi nakakakilala sa iyo dito sa pinas?”

“Are you leaving na ba?”
“Naghihintay kasi sa akin family ko sa Serye, baka hanapin ako” papigil shempre.
“Pwede ko naman kainin tong sandwich ko habang naglalakad. I’ll walk you there”

Tatanggi pa ba ako? Shempre hindi. Tumingin sa akin si manong guard na inaway ko kanina. Napa ngit sabay iling na lang sya. Napa ngiti na lang din ako at iling. Binuksan ni manong guard ang pinto para sa amin. Ang daming babae sa labas na nakalabas ang mga jijicam at mga cellphone camera. Feel ko celebrity rin ako. At nakakairita pala ang ganun.

Thank you gawd! At naisipan ko talagang mag dress. At least kahit paano, hindi ako mukhang alalay at mukha talaga kaming nag deyt! Naks!

Naging mahalaga ang bawat hakbang naming habang kami ay naglalakad. May moments pa na halos matampon yung kinakain nya, tapos ako naman pinunasan ko agad yung bibig nya sa mga tapon-tapon nya dun. Nang malapit na kami sa Serye, tinanong nya ako.
“Sino pala nandyan? Buong family mo?
“oo, birthday kasi ng Lola ko, sumaglit lang ako sa KFC”
“ah okay sige, so i guess nakakahiyang pumasok pala sa loob kasama ka”
Gusto ko syang batukan, seryosong gusto ko syang bigwasan, tapos sasabihin ko DUH!

“sama ka na lang, for sure naman saglit lang to, I know youre busy”
“im not busy” tapos nakatingin lang sya sa akin. Ngumiti tapos hinila nya kamay ko. Parang kumpas ng tara excited ako. At pag pasok namin sa loob. Napatigil ang lahat. Sabay-sabay ngumiti. Parang may sumigaw ng CHEESE!

“La’, may makikibati”
“Happy birthday po. I can see that you have a very wonderful family”

Pinaupo nila si Piolo kasama namin. Bumalik ako sa upuan ko. Magkatapat na kami sa mesa. Ang sarap lang nyang titigan habang nagsasalita sya at nag kukwento at patiently answering the questions. May nagtanong sa kanya, kung kelan pa daw kami magkakilala.

“Kanina lang kami nagkita, pero parang ang tagal ko na syang hinahanap”

Eto ang panaginip na ayaw ko na talagang magising.

Tinanong ako ng Lola ko kung asan daw ba yung sinabi kong kikitain ko sa KFC. Sabi ko ang totoo e bibili lang ako ng yogurt shake dun, wala kasing ganun dito sa Serye, nagpalusot lang po ako, sabay kindat.

Matapos ang masayang pagtatanong sa kanya at mahusay nyang mga sagot, kinuha na ng tita ko ang bill. Binayaran. Sabay-sabay lumabas. Nag senyasan kung sino ang sasabay sa kotse ni kanino. Magkakaiba kasi ng pinuwestuhan sa parking lot. At dumating na pagkataon ko.

Tinanong ako ni Piolo
“uwi ka na rin?”
“bakit?”
“wala lang naman, ako nalang mag hahatid sa iyo, para alam ko rin san ka susunduin next time”

NAKS! Talagang feel nya na may next time! As if mananaginip pa ako ulit ng ganito!

Iniabot ko sa kapatid ko ang susi ng kotse. Tapos kinausap ni Piolo ang utol ko, sabi nya sya na daw maghahatid. At ang gago kong utol na si pb, sabi ba naman “ingat ka dyan, kahit si Piolo ka pa”. Gago lang eh noh?

Mas gumanda ang gabi kahit nag lakad lakad lang kami sa eastwoood. Umabot kami sa may fountain area sa may eastwood mall, tapos umupo lang sa isang bench dun. Nagkwentuhan ng kung anu-ano habang walang paki sa mga naglilingunang mga ulo sa amin.

“Hindi ka ba naiilang sa kanila?” tanong nya sa akin
“dapat ba akong mailang?”
“ano to, parang palabas ni aga, angelica at maricel?”
“napanood mo yun?”
“oo naman!”
“okay talo ka na”

Isang mabilis na halik sa pisngi ko ang kaparusahan ng kanyang pagkakamali sa napaka makesong laro.

Tapos.

Nagising na ako.

Hindi nya ako nahatid. Shempre hindi na nya ako masusundo sa susunod naming pagkikita.

Malanding umaga sa inyong lahat!

Advertisements