jump to navigation

isang tagpo sa buhay ni damdam at santi November 28, 2008

Posted by damdamn in isang tagpo sa buhay ni damdam at santi.
8 comments

damdam: santi, next school year lilipat na kita ng school

santi: mommy, san ako lilipat

damdam: sa don bosco, exclusive, all boys

santi: paano na yung mga girls?

damdam: (natanga…) uhmmm, sige pag iisipan ko pa ulit.

*at least may priorities na anak ko… yari ako neto pag lumaki-laki ‘to.

Advertisements

ampaw na limot November 15, 2008

Posted by damdamn in damdam tulatula.
8 comments

sige lang, pagnasaan pa ang nakaraan
hanggang sa matuliro sa mga katanungan.
ang mga sagot na di tiyak,
at dadahilang nuknukan ng payak,
damhin hanggang sa akap ng umaga.

nilisan na ngunit hinihilang pabalik
ng mga pakiwaring walang sawang namimilit
ang katotohanang pilit winawaglit
ng naipit na pangarap at kinurot ng isip
sinipa ng kasinungalingang ubod ng pait.

at bakit nakatayo sa lumang sulok?
humihithit ng sigarilyo na wala namang usok?
lumuluha ang mata ngunit hindi umiiyak.
nakatanaw, nakatitig sa nuon na winasak.
pilit na ngiti, hihikbi, kukurapkurap.

naglalakad ang mga paa nang kay bagal.
ang isip tumatakbo, sinisisid ang nakaraan.
nalulunod sa lumipas na walang kinahinatnan.
nagbanta sa hinaharap na sana huwag naman,
maulit ang paglalarong walang pinanalunan.

muntik-muntik ng makarating sa kinalalagayan.
inasam na lunas sa adiksyong katangahan.
pagod na mga kamay, nagpupumilit umahon
pikit matang nagdasal sa bangin na tinalon
nabitin sa hininga, tinangay, inalon.

why is it bakit? November 14, 2008

Posted by damdamn in damdam isip-isip.
6 comments

(wala naman akong reader na kikay… oh well bahala na..)

Ako lang ba o pati ibang girls jan:

Sa tuwing lalabas ako ng isang tindahan na kikay; mango, ninewest, bayo, kamiseta, cmg, prp… and the likes, e parang bigla akong sinasaniban ng isang kolehiyalang hatid sundot ni manong driver, with yaya the loser.

Like ya know, the feeling, like uhmm.. prang’ (pronounce prang nang naka ngiwi ang isang parte ng labi, then announciate.. preeng! yan ganyan!) so it’s like prang’ ang ganda ko after shopping but not naman talaga. I dont know bakit I feel that way after making sukat sukat and bili bili but its just so nakaka loka coz i hate it when i speak like this davah. It’s not bagay, not so me. Duh…

At nararamdaman ko ngayon ang pambabatok ng iba diyan. Titigil na ako. Mahipan pa ako ng hangin ni Mack(masama kasi sya e).

my tertinth month pay dilemma November 13, 2008

Posted by damdamn in damdam shareshare.
8 comments

May kakaiba akong sakit pag papalapit na ang tertinth month pay:

Hindi pa dumarating, o sabihin nating isang buwan pa bago matanggap, ubos na sya sa diwa ko at nalustay ko ng lahat. Naisip ko na kung anong mga regalo. Saan ako kakain. Magkano willing akong pa hold up sa nanay ko. Pati up to what extent ko kayang mag pauto sa utol ko a anak ko para maging bangko sentral nila.

Pero!

Kapag nagdiriwang na ang lahat ng tao sa opisina at napawi ang PMS ng boss nila dahil pumasok na pala sa account nyo ang tertinth month pay, e parang ayaw ko ng mag withdraw. Parang nanghihinayang akong bawasan sya. Natatakot akong gastusin sya. Ayaw ko ng gumastos. Ang sarap tignan e!

At mamaya lamang. Masasaksihan ang isa sa pinaka maligayang araw dito sa opisina. Walang nakasimangot at buraot. Dahil ire-release na ang bonggang tertinth month. At tititigan ko na lang muna sya dun. (parang picture lang ni ano… ni…)

Kaya mamaya, may problema ako.

post buying effect of psp November 12, 2008

Posted by damdamn in damdam isip-isip.
11 comments

ano nangyayari sa isang taong kabibili lang ng PSP?

a.) nagkakasakit dahil sa kakalaro

b.) naleleyt for work o sa school dahil sa kakalaro (at gumagaling magpalusot!)

c.) wala ng alam sa mundo dahil sa kakalaro (maliban sa upcoming games at mga cheats at walkthrough)

d.) iniiwan ng gf/bf… (na hindi “understanding” or di mo nautong bumili and/or maglaro din) dail sa kakalaro

e.) wala ng social life dahil sa kakalaro (maliban sa kapalitan mo ng games din)

f.) All of the above … malas

*sana kasama ang disiplina sa package ng psp. wala akong galit sa psp. im a pc/psp/ps2/ps1/family computer game lover. Sa katunayan, balak kong bumili. Yung fenk para kikay or yung simpson yellow edition.

* pwedeng palitan ang salitang PSP at DOTA. Pareho lang din. Same Same…

my first patay-sindi expy November 9, 2008

Posted by damdamn in damdam shareshare.
15 comments

*kung wala ka pang dise-otso wag mo na tong basahin. bawal sa kids. simpleng instruction sumunod ka. blog ko to ako batas.

Sa wakas.

Nadevirginize na ang aking inosenteng utak na kung ano ba ang nasa loob ng beerhouse. Sa totoo lang, di ko alam kung saan uumpisahan ang entry na ito. Hindi dahil sa na shock ako (ako ma sha-shock? surprise me…) Hindi rin dahil sa nalungkot ako sa nakita kong kahalayan (ako malulungkot sa ganun? bakit?) Pero dahil, shet! Ang dami kong natutunan.

Gaya ng nasabi ko nun, I will try everything in life kahit once. Kung first time mong susubok ng isang bagay sa buhay mo, ito ang una kong tip: Wag kang mukhang mangmang. Blend in. Pero wag kang OA.

Binalaan ako ng kasama ko. Baka daw maawa ako sa makita ko (nakalimutan ata nyang wala akong paki sa moral ethics pag sabado). Dahil dun nga daw sa pupuntahan namin e may floor show at naglipana ang mga babaeng tinamad magbihis. Well, aanhin ko ang experience ng beerhouse kung pademure din ang makikita ko, edi sana nag embassy na lang ako o nag alchemy.

Mainam naman at hindi pang rampa ang suot ko kagabi. Masama rin kasi pakiramdam ko pero tumuloy pa rin ako sa lakad at nag dala na lang ng hoodie. Nag commute lang din kasi ako para makarami sa inom at ayaw kong mag maneho ng 75% ng dugo ko e panglanggas ng sugat. Isa pa, sakto rin na ganun lang ang suot ko kasi kung sakali e magmumukha akong na-table.

Pero kung tutuusin kahit ano pang suot mo e di ka pagkakamalan na mainstay dun. Wala kasi silang damit. Yung naabutan namin floorshow, scarf, belt at boots lang suot nya, cup a nga lang, pero mukhang bata pa. Pwede na sya actually, makinis naman pero ofkers nadaan na sa ilaw yun. Mahusay syang mag pasirko sirko sa sahig at mag bukabuka ng hita nya to the audience. Pero wag ka! Poker face si nene! Kung manunood ka pala ng ganun e wag ka na talagang tumingin sa mukha, patay ito. Walang ekspresyon ng kahit ng ano. Di man lang nya nakuhang mag smile kahit kapiranggot. Di nya nakuha man lang mag pa cute. Kung sa bagay, di naman bayad ang acting skills dun ng tulad sa porn movies. Floor manuevers ang importante.

Gaya ng napapanood natin sa mga palabas na di pinapayagan ng MTRCB pero pumapatok sa takilya sa ABC theater at kung ano pang sinehan sa may along aurora cubao, ganun din ang ginagawa nya. Sasabay sa tugtog tapos pag bagsakan na e bagsak din sya ng split! Bending bending, tapos giling giling. Walking walking. Tapos Split! Lalapit sa lalaki na nasa gilid ng stage tapos parang nangaasar, bubukaka mangunguha ng jacket tapos ayun ang pinampunas nya sa… okay next paragraph.

After ng floor show nya, nag labasan na ang mga models. Segue: Ano ang pinagkaiba ng models sa GRO? Ang model pwede rumampa at i-table. Ang GRO pang table lang. O di ba?! Educational ang field trip ko dun!

So yun, nga naglabasa na ang mga models. Yung iba may hubot hubad (oo nga kita boobs at lahat na.. kulit!) tapos yung iba giniginaw ata, naka bra at panty naman. Dun ko napansin na laking pasasalamat naming mga kababaihan sa nag imbento ng push-up bra. Yung iba kasing lumabas na naka bra lang tapos lumabas ulit after ilang rounds ng modeling e kakaiba ang resulta ng “while wearing the bra” at ng “after the bra is gone”.

Isa lang ang nakita kong may magandang tindig ng suso. Pero malamang bata pa yun. At ang sa lahat errrr… parang nilambitinan na ni tarzan. Pinakamalaki sa nakita ko e cup c. Bigo akong makakita ng buhay na cup d. Bakit ko gustong makakita nun? Mag survey ka ng lalaki kung bakit nila gusto nakakkita ng malaking breasts. Kung anong sagot ng majority e malamang hindi yun ang sagot ko. Ang rason kung bakit e dahil sa nais ko lang makita ng harapan ang isang mystero ng buhay na bakit sa kanya malaki sa akin hindi. Ayaw ko ng pagusapan pa in detail, naiinsecure na ako. Enuf.

Pag usapan naman natin yung sa ibaba… ng stage. Yung crowd, i mean. Wala namang naghihiyawan. Parang nanonood lang silang mga batang nanonood ng cartoons sa tv kasi yung iba naka-nganga o kaya di maalis yung ngiti. Yung iba naman parang naka ilang reply na yung pinapanood; wa paki.

Magagalang naman ang mga nag seserve. Wala naman bastos. Sabagay yung show nga e “bastos” na, e okay na yun. Enough kabastusan in one vicinity. May mga napansin akong naka scrubs, mga masahista pala. Complete service! Kulang na lang e gugupit ng buhok at pa-load, ayus na.

Nag table ako… sana si number 78. Kaso di na nga ako nag table kahit libre. Nakakatarantado lang kasi baka manghingi ng gtg action e di ko magawa ang dare, masasaktan ego ko. So umiwas na ako sa tukso. Gusto ko sana, kaso ano naman pag uusapan namin? Di naman ako “lonely” tulad ng karamihang lalaki na nandun. Di rin naman ako tibo para matuwa akong i-table ko sya. Pero mukha naman syang okay nung “sumasayaw” sya sa stage. Pero sige na oo, na torpe ako. Lagi pa naman akong handa, pero di ko inaasahan ang mga ganitong tagpo sa buhay ko, at isa pa ayaw kong mapahiya sya sa akin. Babae pa rin yun. Ginagalang pa rin.

Wala naman nag bago sa pagkatao ko nung lumabas kami sa Miss U. Ako pa rin si damdam, at nadagdagan nga lang ang nalaman ko. Naaawa ba ako sa mga babae dun? Hindi. Kanya kanya tayo ng kakayahan para ipagpatuloy ang buhay. Desisyon nila ang mamuhay ng ganun at pinili nila ang ganung propesyon. Respetuhan na lang. Nahiya ba ako sa ginawa ko? Hindi rin dahil wala naman malisya ang pagpunta ko dun. Sabi ko nga, parang educational trip lang.