jump to navigation

good ‘ol days September 7, 2011

Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam shareshare, damdam sulatsulat, damdam tulatula.
2 comments

Kung tumanda man tayong magkalayo
at di kita makasama
sa bawat yugto,
ng mga saglit ng surpresa
at mahahabang minutong
pinalilipas ng mga luha.

Ang mga pinagsamahang
kahapon lang ay isang dekada na
ang tinagal,
at mga pagbabagong
ginusto at pinagpilitang tanggapin
ng utak at damdamin.

Naririto at nariyan pa rin.
Patuloy mangungulit
at ngingiti sa bawat
ala-alang mapait at malambing
magbago man ang istilo
at saliw ng oras

Asahan mong ‘di lilimutin.
Naghihintay
na isang gabing
kahit sa panaginip,
makasamang muli.
Good times, pre..

Good times..

akala mo lang February 6, 2010

Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam sulatsulat, damdam tulatula.
1 comment so far

kahapon,
sinubukan kont timbangin ang lahat ng makita ko
inabot ako ng apat na oras sa pagtitimbang
alin ang magaan?
ano ang mas mabigat?
pag katapos kong manimbang
wala ako talagang natutunan talaga
weh ano naman kung alam ko bigat nya
nanimbang lang ako
nag sayang ng oras.

nung isang araw,
sinubukan kong ilagay ang lahat sa dalawang hanay
ano ang maganda sa pangit
alin ang mas magandang tignan
sa nakakabulag ng mata
hindi ko na lang tinuloy ng matagal
dahil hawak ko ang isang unan
na dati kong akap ng wala pa sya
at dati ko ring akap ng naroon na sya
at dati ring tagasalo ng luha ng wala na ulit sya
di ko alam kung sa maganda o pangit ko sya ilalagay

nung nakaraang linggo,
paulit ulit kong pinatugtog ang iisang kanta
pinag iisipan
kung isa ba itong ingay o musika
wala akong naintindihan
kahit nababasa ng utak ko ang mga linya
kahit umiindayog ako
hindi ko pa rin matutunan mahalin ang kanta
wala akong konklusyon
sa mga nota na pinagsamasama

kung anong tama
at alin wag gagawin
kung alin ang masarap
sa dapat wag ng isusubo
ang mabaho sa masangsang
ang kumportable
sa nakakairita
hindi ako ang mag didikta
at lalong hindi rin ikaw ang magsasabi ng alin
ang sa alin
sa kung ano ang totoo at sa sinungaling

hindi tayo, hindi rin sila.
hindi rin ngayon, o hindi kailan man magiging bukas.
walang ata, walang daw, walang sigurado.
wala lang lahat ng ito.
ang kasiyahan mo ay hindi ko kasiyahan
ang minamahal ko ay di mo minamahal
at ang gamot na iniinom mo
ay hindi lunas sa sakit ng kung sino
ang impotanteng yan ay hindi talaga importante

akala mo lang
dahil bukas, makalawa
iba na naman.

ang umiiwas sa pagtutumalinhaga June 18, 2009

Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam sulatsulat.
2 comments

may taong mas nais harapin kung ano lang ang tanaw ng na maabot ng kanyang mata. ang kaya lang ay punahin ang kung anong kayang maabot ng isip at pag hindi na nya masaklaw ang paliwanag na mas hihigit sa kanyang pang uunawa ay pilit na lalagyan ng tuldok at hangganan ang kung saan ay doon lang ang naabot. isasara ang isipan at magkukubli sa isang rason na patitibayin na dapat yun lang ang tama; walang labis, walang kulang.

hindi ko masisi ang mga ganyang tao. kung hanggang dalawang hakbang paabante lang ang kaya nilang lakarin at wala ng iuusad pa ang kanilang kakarampot na pag rarason. kung mas nais nilang magtago sa likod ng mga dahilan na panahon na ang gumasgas na sa katunayan e dumedepende sa sitwasyon naman talaga ang tamang sagot.

lahat tayo may pagkiling sa lahat ng ginagawa nating pagsang-ayon; maaring kaibigan mo kasi kaya ka napa-oo, maaring pareho kasi kayo ng pinagdaanan, o maaring nakikisimpatya ka lang dahil wala ka naman talagang alam at nakikisawsaw ka lang at gusto mo lang makidagdag sa pagiingay. lahat tayo lumilihis sa prinsipyo sa isang punto ng tadhana ng buhay dahil madalas kung minsan ang pagiging radikal ay mahirap pangatawanan at ang mayorya ay kayang umapak at sumira ng prinsipyo ng ganun-ganun lamang.

subukan mong mag kwento ng walang binibigay na pangalan. mag tanong ka sa iyong kaibigan kung ano ang gagawin nya at ano ang sa palagay nya ang tama. isang tanong na may kinalaman ang moralidad o pag ibig. pag katapos ay ulitin mo ang tanong at sa pag kakataong ito, lagyan mo ng pangalan. ikaw na ang humusga kung ano ang mga susunod nyang sasabihin.

walang siguradong mali, at lalong walang siguradong tama. ang mali ngayon maaring tama na bukas at ang akala mong tama ngayon ay maari mong pagsisihan sa hinaharap. ang tanging ikakapanalo mo lang ay kung ang pinang hahawakan mong dahilan sa simula pa lamang ay nagmula mismo sa iyo at hindi idinikta ng lipunan, ng kung sino mang pilosopo na iniidolo mo o nang sabay sabay na indak ng mga kasama mong iniisip mong dumadamay.

kung lumalakas ka dahil sa pagsang-ayon ng iba, mahusay. ang tanong papaano kung katamaran na nila ang pag sang-ayon sa iyo? kakayanin mo pa rin bang panindigan ang pinag lalaban mo? sapat ba ang rasong pinanghahawakan mo o payak at pang grade 1 lang ang katwiran mo dahil hindi mo inaakalang may mas hihigit na katunggali?

mag kakaiba tayo ng antas ng pang uunawa. kung hindi mo makita ang nakakubling imahe sa isang larawan wag mong pagpilitan at literalin ang kung ano lang kaya ng mata mo. hindi por que yan lang ang sinakop ng diwa mo ay hanggang diyan lang ang tama. maraming angulo ang maaring hindi mo nakikita at kung may mag turo man sa iyo ng ibang panulukan, magpasalamat ka dahil pinalalawak nya ang isipan mo para mas higitan pa at matunghayan mo ang iba pang kulay ng larawan.

walang masama sa pagsang-ayon. hindi ito tuwirang pag papakita ng kahinaan. sa aking palagay, pag papakita ito ng tapang na tumanggap ng maaring mali ka o tama ka rin pero may tama rin sila at may bagong kang napag-alaman.

pero kung gusto mong tanggapin na hanggang diyan ka na lang at ang 10 ay hindi pwedeng 6 + 4 at tanging 5 + 5 lang ang tamang tumbasan at gusto mong magmatigas… edi sige! buhay mo yan e!

ang nasa likod ng pinilakang tabing January 31, 2009

Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam shareshare.
5 comments

Nakapanood ka na ba ng old movies? Yung palabas na in black and white pa na kadalasan napapanood mo na lang sa MGM channel pag gabi na? Napansin mo ba na ang gaganda ng mga babae dun. Parang walang kapintasan at napaka eleganteng tignan. Mayumi at walang bahid ng latay ng stress. Ang sarap nilang titigan at panooring kumanta o sumayaw. Malamyos ang kilos at tunay na nakabibighani.

Nung bata ako, akala ko, lalaki akong tulad nila (hindi black and white ha). Nangarap maging mabighani at kaaya-aya sa mata. Walang ibang iisipin kundi ang mag suklay ng buhok gamit ang malaking brush at humarap sa higanteng salamin. Mamimili sa loob aparador ng magarang damit at dumalo sa isang engrandeng pagtitipon at isasayaw ako ng maginoo at gwapong lalaki.

Ngunit iba ang realidad sa palabas. Sa realidad, ang pagsusuklay ay bilang na bilang ang hagod, may kaagaw ka pa sa salamin. Hindi mo kailangan mag suot ng magarang damit dahil hindi naman engrade ang pupuntahan dahil mag babanat ka lang naman ng buto at swerte mo na lang kung makasabay mo sa elevator ang krass mo at mapansin nya ang nakagawian mo ng outfit. At pag uwi mo, swerte mo na lang kung hindi mo baon ang stress mula sa pinanggalingan mo.

Pero kung tutuusin mas masaya ang realidad. Ang pag hahanap mo ng ikaliligaya mo hindi ka nakatali sa dalawang oras na gaya ng sa palabas. Buong buhay kang makikipag hulaan sa tadhana at makikipag bolahan sa mga sitwasyong dumadating. Ang kumplikasyon ang tunay na nagbibigay ng kulay sa bawat black and white nating buhay na sinimulan. Habang tumatagal, patingkad ng patingkad at lalong pumupusyaw ang paligid. Gumaganda ka at nagiging mabighani sa paraan ng pag dadala mo ng iyong sarili at sa pagpili ng samu’t-saring karakter na pwedeng pagpilian. Nasa desisyon mo kung balak mong maging maganda sa loob at labas.

Walang script na dapat sundan at kailangang kabisaduhin. Hindi bilang ang kilos mo na dapat sumabay sa tugtugin, pwedeng mag freestyle. Pwedeng pumiyok sa inaawit at tumawa pag nagkamali.

Yun nga lang, ang masarap sa palabas… may take two.

Pero ipupusta ko, kung sakaling gagawing pelikula ang buhay mo, mahihirapan kang pumili ng yugto ng isasa-pelikula, dahil ang totoo nyan bawat yugto nito ay mahalaga sa iyo at hindi pwedeng maikwento ng dalawang oras lamang.

tumpak! December 4, 2008

Posted by damdamn in damdam isip-isip.
16 comments
EXACTY

EXACTY

Tumpak!

May iba ka pa bang mas matinong pag pipilian?

Nakakairitang isipin na sa halos lahat ng bagay na pag dedesisisyunan mo e walang perperktong sagot, walang swak na sulusyon. Que simleng ano ba ang dapat isuot hanggang sa pinaka-mahirap na issue ng 2 ply o 3 ply tissue?

Kadalasan sa ating mga solusyon ay marami tayong mga bagay na isinasaalang-alang(nabulol ako dun, try mo out loud sabihin) kaya tayo nahihirapan mag desisyon.  Mas maraming factors to consider, mas kumplikado.

Kung ano man ang pipiliin mong pintuan, try to convince your brain and your heart na yun ang gusto mo at panindigan mo. Mahalin mo desisyon mo at magpakasaya ka. But be brave enough and save a little courage para harapin ang mali kung sakaling palpak at aminin ang kamalian ng desisyon at… walang sisihan.

Tao ka lang. Pwedeng pwede kang magkamali ng pintuang pipiliin dahil madalas, sa mundong ‘to wala naman talagang absoulte na tama wala ring absolute na mali. Lahat relatibo, lahat subjective. Kaya wag kang matakot na pumili ng papasuking pinto. Buhay mo yan at desisyon mo pa rin ang mananaig.

To decide, to be at the level of choice, is to take responsibility for your life and to be in control of your life.

Abbie M Dale

complicating complication December 4, 2008

Posted by damdamn in damdam isip-isip.
5 comments

Makailang beses ka ng nakarinig ng mga ganitong linya?

“Alam kong maiintindihan mo ito. Mahal kita, pero hindi sang-ayon ang sitwasyon.”

“Kumplikado na ang sitwasyon nating dalawa, pagpapatuloy pa ba nating pakumplikahin ang lahat?”

or

“I love you, but things are just too complicated”

(pampamas!)

Pasensya ka. Hindi ka sapat na rason ang pagmamahal nya para ipagpatuloy nyo pa ang mga bagay-bagay na namamagitan sa inyo. Sa ganitong pagkakataon, ang salitang “complicated” ang panalo laban sa “pagmamahal”. Kaya kung nasabihan ka na nyan, wag ka ng maghabol, dahil nasa malamang may nakahanap na yan na mas… Mas maganda, mas matalino, mas utu-uto, o ang mas masakit na katotohanan e mas willing syang isugal ang lahat-lahat.

(Ouch!)

Sa ganitong “kumplikadong” sitwasyon, wag ka ng umapila. Hayaan mo na lang sya. Let go…

Pero kung tutuusin ang katagang “kumplikado e” e pinaikling bersyon lang ng mga sumusunod:

1.      Bobo ka at di ko kayang i-explain at wala akong panahon na ipaliwanag pa sa iyo, dahil di ko rin alam paano pa ka-klaruhin sa iyo ang lahat. Pagod na ako, bye.

2.      Mahal mo ako tapos mahal rin kita. E dumating sya, tapos mahal ko na rin sya. ‘Di naman pwedeng dalawa kayo ‘di ba? o Pwede ba?

3.      Mahal ko na sya dati pa, tapos dumating ka. Pero mas mahal ko pa rin sya, kaso mas magaling ka sa kama, so pwede ka. Kaso tandaan mo, mahal ko sya, ikaw sa kama.

Nga pala, hindi ito yung sa friendster na “it’s complicated” status lang ha. Yung “it’s complicated” dahil di naman kayo pero asal kayo, kayo. Pero on sekantot, pwede rin pala but not exactly like that lang.

Ito yung panibagong linya na maihahanay sa famous break-up lines tulad ng:

–          it’s not you, its me

–          but you were never there

–          if only I can teach myself to love you back

Ngayon pwede ng idagdag ang

–          Things are just too complicated for us.

Ahhh teh shet…

Kaya ka makikipag hiwalay e dahil sa marami ng kumplikasyon na mismong kayo lang din naman ang may gawa o alam nyo naman na sa simula pa lang e suntok a sa buwan ang lahat. Aminin mo na lang na tinamad ka na o nag sawa ka na at nakahanap ka ng mas kuportableng kama na hihigaan.

Dahil kung talagang nag mamahalan kayo, meaning two way ha (bawal assuming dito na dalawa kayo tapos yun pala ikaw lang ang nag a-iloveyou jan, kei?)- sabi nga ni atty sison…

Ipaglaban mo.

why is it bakit? November 14, 2008

Posted by damdamn in damdam isip-isip.
6 comments

(wala naman akong reader na kikay… oh well bahala na..)

Ako lang ba o pati ibang girls jan:

Sa tuwing lalabas ako ng isang tindahan na kikay; mango, ninewest, bayo, kamiseta, cmg, prp… and the likes, e parang bigla akong sinasaniban ng isang kolehiyalang hatid sundot ni manong driver, with yaya the loser.

Like ya know, the feeling, like uhmm.. prang’ (pronounce prang nang naka ngiwi ang isang parte ng labi, then announciate.. preeng! yan ganyan!) so it’s like prang’ ang ganda ko after shopping but not naman talaga. I dont know bakit I feel that way after making sukat sukat and bili bili but its just so nakaka loka coz i hate it when i speak like this davah. It’s not bagay, not so me. Duh…

At nararamdaman ko ngayon ang pambabatok ng iba diyan. Titigil na ako. Mahipan pa ako ng hangin ni Mack(masama kasi sya e).

post buying effect of psp November 12, 2008

Posted by damdamn in damdam isip-isip.
11 comments

ano nangyayari sa isang taong kabibili lang ng PSP?

a.) nagkakasakit dahil sa kakalaro

b.) naleleyt for work o sa school dahil sa kakalaro (at gumagaling magpalusot!)

c.) wala ng alam sa mundo dahil sa kakalaro (maliban sa upcoming games at mga cheats at walkthrough)

d.) iniiwan ng gf/bf… (na hindi “understanding” or di mo nautong bumili and/or maglaro din) dail sa kakalaro

e.) wala ng social life dahil sa kakalaro (maliban sa kapalitan mo ng games din)

f.) All of the above … malas

*sana kasama ang disiplina sa package ng psp. wala akong galit sa psp. im a pc/psp/ps2/ps1/family computer game lover. Sa katunayan, balak kong bumili. Yung fenk para kikay or yung simpson yellow edition.

* pwedeng palitan ang salitang PSP at DOTA. Pareho lang din. Same Same…