jump to navigation

Ang Pinakamalanding Tagpo ni Criselda at Piolo Pascual January 25, 2010

Posted by damdamn in damdam sulatsulat, damdam tangatanga.
9 comments

Birthday ng Lola ko, at napagisipang kumain na lang sa labas. As usual, Eastwood na naman. Napili naming ang kumain na lang ng dinner sa Serye. Pebrero pa, maginaw pero gaya ng madalas, naka dress pa rin ako. Walang paki sa lamig ng mga nalalabing araw ng nakaw na ginaw ng Pinas mula sa mga natutunawang nyebe ng mga karatig bansa. At shempre para kikay!

Tapos na. Naka pag order na ng mga paboritong putaheng pinoy; crisy pata, kare-kare, pinakbet, sinigang, at kung anu-ano pa. Busog na rin ang halos lahat, at sinimulan ng umorder ng panghimagas. At natural di ako umorder ng dessert. Iniisip ko kung paano makakasibat sa mesa para makapag bisyo.

Naisip kong magkunwaring may tatagpuing kaibigan sa may KFC. Malapit lang yun kung tutuusin. Sakto lang para matuloy ko ang masama kong balak sa baga ko. Nag paalam na ako, at gaya ng binalak na kasinungalingan, tagumpay, naka lusot ako sa mga tiyahin ko, pinsan, at lola. Muntik pang binalak ng isa na sumama, sabi ko wag na lang kasi nakakahiya dun sa katatagpuin ko. Kasinungalingan! Haha!

Habang naglalakad ako, kabilis ng karma nga naman. Wala akong lighter! Hinayaan ko na lang na makarating ang mga paa ko sa tapat ng KFC, malamang may lung center din dun. Baka may naninigarilyo din, at makakasindi rin ako. Pero ayun nga mabilis ang karma sa akin. Ang naabutan ko ay mga kababaihan na nasa labas na wari mo ay may inaabangan sa labas ng KFC.

Umupo na lamang ako sa may ledge malapit sa may harapan ng KFC. Nakita ko ang poster nila ng yogurt drink nila. Fine! Di na lang ako maninigarilyo. Bibili na lang ako drink as my dessert. Kaya, pumunta ako sa pinto, nakipag usap sa guardya na papasukin ako dahil bibibili ako at wala akong paki sa kung anong nandun sa loob que se hodang kung sino pa yan. Wala akong nakikitang Close na sign at customer ako so bibili ako. Wala syang nasabi pa. Pinapasok nya ako. Pumila na ako, pang-apat ata ako sa pila. Maya-mayang onti napansin ko, may nadagdagan sa pila at naging pang-lima na ako. Shempre, dala ang kasungitan ko, nasabi ko na lang ay “Huwaw nice, kanina pang apat ako, tapos nagging panglima na ngayon”. Pero kunwari may ka text pa rin ako. Alam kong nakatingin na sa akin ang mga tao sa paligid. At shempre wala pa rin akong paki, sabay evil smirk.

Nabawasan ang pila. Naging pang apat agad ako. May pumunta sa likod ko.

“Miss, sorry”
“Yes?” Hindi pa rin ako lumilingon.
“Im sorry, dapat pumila ako”
Tipid ang sagot ko “Oo nga, dapat nga naman”

Lumingon ako sa kanya, para ngumiti. Pero mas maganda ang ngiti nya sa akin pabalik. Nakatitig lang si Piolo. Nabura ang ngiti ko. Nahiya ako. Taena! Ang gwapo!

Ang dami nyang tanong; kanina pa ba daw ako naka pila, mag isa lang daw ba ako, may mesa na daw ba ako, share na lang daw kami. Nung ako na ang nasa harap ng counter, pinag isa na lang nya yung order namin. Siguro nag mamadali rin ang Piolo. He ordered gogo sandwich lang. Inabot ko na lang sa kanya yung 100 pesos para sa bayad ko sa drink ko. Ok, di nya tinanggap. Bilang peace offering na lang daw. Nag pasalamat ako at nag lakad palabas ng pinto.

Humabol sya. Oo teh, humbol sya.
“Hindi ko pa natatanong pangalan mo”
Parang tumigil ang palig sa pag galaw. May hangin na umiihip sa buhok kong biglang nagging mahaba. Nagkaraoon ng Gausian Blur ang background, sabay focus ng camera sa amin.Dun ko narealize na nanaginip lang ako. Fine. Kung panaginip ito, makikipag laro na ako. Kapalan ng mukha.

Bumalik sa normal ang kilos ng mundo.
“Hindi ko pa natatanong pangalan mo”
Tumigil ako at lumingon pabalik. Hindi ko alam na naghahabol pala sya, kaya ng lumingon ako, halos magbanggaan kami. TEH! Close! As in, super close. Buti di ako nag yosi kaya amoy normal pa hininga ko.
“Criselda”
“Im Piolo”

Pa-cute akong tumawa. Pero sa isip-isip ko “e taena pala neto e, malamang! Sino bang hindi nakakakilala sa iyo dito sa pinas?”

“Are you leaving na ba?”
“Naghihintay kasi sa akin family ko sa Serye, baka hanapin ako” papigil shempre.
“Pwede ko naman kainin tong sandwich ko habang naglalakad. I’ll walk you there”

Tatanggi pa ba ako? Shempre hindi. Tumingin sa akin si manong guard na inaway ko kanina. Napa ngit sabay iling na lang sya. Napa ngiti na lang din ako at iling. Binuksan ni manong guard ang pinto para sa amin. Ang daming babae sa labas na nakalabas ang mga jijicam at mga cellphone camera. Feel ko celebrity rin ako. At nakakairita pala ang ganun.

Thank you gawd! At naisipan ko talagang mag dress. At least kahit paano, hindi ako mukhang alalay at mukha talaga kaming nag deyt! Naks!

Naging mahalaga ang bawat hakbang naming habang kami ay naglalakad. May moments pa na halos matampon yung kinakain nya, tapos ako naman pinunasan ko agad yung bibig nya sa mga tapon-tapon nya dun. Nang malapit na kami sa Serye, tinanong nya ako.
“Sino pala nandyan? Buong family mo?
“oo, birthday kasi ng Lola ko, sumaglit lang ako sa KFC”
“ah okay sige, so i guess nakakahiyang pumasok pala sa loob kasama ka”
Gusto ko syang batukan, seryosong gusto ko syang bigwasan, tapos sasabihin ko DUH!

“sama ka na lang, for sure naman saglit lang to, I know youre busy”
“im not busy” tapos nakatingin lang sya sa akin. Ngumiti tapos hinila nya kamay ko. Parang kumpas ng tara excited ako. At pag pasok namin sa loob. Napatigil ang lahat. Sabay-sabay ngumiti. Parang may sumigaw ng CHEESE!

“La’, may makikibati”
“Happy birthday po. I can see that you have a very wonderful family”

Pinaupo nila si Piolo kasama namin. Bumalik ako sa upuan ko. Magkatapat na kami sa mesa. Ang sarap lang nyang titigan habang nagsasalita sya at nag kukwento at patiently answering the questions. May nagtanong sa kanya, kung kelan pa daw kami magkakilala.

“Kanina lang kami nagkita, pero parang ang tagal ko na syang hinahanap”

Eto ang panaginip na ayaw ko na talagang magising.

Tinanong ako ng Lola ko kung asan daw ba yung sinabi kong kikitain ko sa KFC. Sabi ko ang totoo e bibili lang ako ng yogurt shake dun, wala kasing ganun dito sa Serye, nagpalusot lang po ako, sabay kindat.

Matapos ang masayang pagtatanong sa kanya at mahusay nyang mga sagot, kinuha na ng tita ko ang bill. Binayaran. Sabay-sabay lumabas. Nag senyasan kung sino ang sasabay sa kotse ni kanino. Magkakaiba kasi ng pinuwestuhan sa parking lot. At dumating na pagkataon ko.

Tinanong ako ni Piolo
“uwi ka na rin?”
“bakit?”
“wala lang naman, ako nalang mag hahatid sa iyo, para alam ko rin san ka susunduin next time”

NAKS! Talagang feel nya na may next time! As if mananaginip pa ako ulit ng ganito!

Iniabot ko sa kapatid ko ang susi ng kotse. Tapos kinausap ni Piolo ang utol ko, sabi nya sya na daw maghahatid. At ang gago kong utol na si pb, sabi ba naman “ingat ka dyan, kahit si Piolo ka pa”. Gago lang eh noh?

Mas gumanda ang gabi kahit nag lakad lakad lang kami sa eastwoood. Umabot kami sa may fountain area sa may eastwood mall, tapos umupo lang sa isang bench dun. Nagkwentuhan ng kung anu-ano habang walang paki sa mga naglilingunang mga ulo sa amin.

“Hindi ka ba naiilang sa kanila?” tanong nya sa akin
“dapat ba akong mailang?”
“ano to, parang palabas ni aga, angelica at maricel?”
“napanood mo yun?”
“oo naman!”
“okay talo ka na”

Isang mabilis na halik sa pisngi ko ang kaparusahan ng kanyang pagkakamali sa napaka makesong laro.

Tapos.

Nagising na ako.

Hindi nya ako nahatid. Shempre hindi na nya ako masusundo sa susunod naming pagkikita.

Malanding umaga sa inyong lahat!

tulirong nakatulalang nakatanga July 31, 2009

Posted by damdamn in damdam sulatsulat, damdam tulatula.
2 comments

napapatulala ako
nakatitig sa pinto
kung lalabas ba
o papasok

natutuliro ako
sa ikot ng relo
naghihintay ng darating
o nag aabang ng aalis

nakatanga ako
sinasapo ang hangin
di alam kungigignawin
o nanamnamim

may sasabihin ako
pasigaw? pabulong?
ang tulirong nakatulalang
nakatanga.

ang umiiwas sa pagtutumalinhaga June 18, 2009

Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam sulatsulat.
2 comments

may taong mas nais harapin kung ano lang ang tanaw ng na maabot ng kanyang mata. ang kaya lang ay punahin ang kung anong kayang maabot ng isip at pag hindi na nya masaklaw ang paliwanag na mas hihigit sa kanyang pang uunawa ay pilit na lalagyan ng tuldok at hangganan ang kung saan ay doon lang ang naabot. isasara ang isipan at magkukubli sa isang rason na patitibayin na dapat yun lang ang tama; walang labis, walang kulang.

hindi ko masisi ang mga ganyang tao. kung hanggang dalawang hakbang paabante lang ang kaya nilang lakarin at wala ng iuusad pa ang kanilang kakarampot na pag rarason. kung mas nais nilang magtago sa likod ng mga dahilan na panahon na ang gumasgas na sa katunayan e dumedepende sa sitwasyon naman talaga ang tamang sagot.

lahat tayo may pagkiling sa lahat ng ginagawa nating pagsang-ayon; maaring kaibigan mo kasi kaya ka napa-oo, maaring pareho kasi kayo ng pinagdaanan, o maaring nakikisimpatya ka lang dahil wala ka naman talagang alam at nakikisawsaw ka lang at gusto mo lang makidagdag sa pagiingay. lahat tayo lumilihis sa prinsipyo sa isang punto ng tadhana ng buhay dahil madalas kung minsan ang pagiging radikal ay mahirap pangatawanan at ang mayorya ay kayang umapak at sumira ng prinsipyo ng ganun-ganun lamang.

subukan mong mag kwento ng walang binibigay na pangalan. mag tanong ka sa iyong kaibigan kung ano ang gagawin nya at ano ang sa palagay nya ang tama. isang tanong na may kinalaman ang moralidad o pag ibig. pag katapos ay ulitin mo ang tanong at sa pag kakataong ito, lagyan mo ng pangalan. ikaw na ang humusga kung ano ang mga susunod nyang sasabihin.

walang siguradong mali, at lalong walang siguradong tama. ang mali ngayon maaring tama na bukas at ang akala mong tama ngayon ay maari mong pagsisihan sa hinaharap. ang tanging ikakapanalo mo lang ay kung ang pinang hahawakan mong dahilan sa simula pa lamang ay nagmula mismo sa iyo at hindi idinikta ng lipunan, ng kung sino mang pilosopo na iniidolo mo o nang sabay sabay na indak ng mga kasama mong iniisip mong dumadamay.

kung lumalakas ka dahil sa pagsang-ayon ng iba, mahusay. ang tanong papaano kung katamaran na nila ang pag sang-ayon sa iyo? kakayanin mo pa rin bang panindigan ang pinag lalaban mo? sapat ba ang rasong pinanghahawakan mo o payak at pang grade 1 lang ang katwiran mo dahil hindi mo inaakalang may mas hihigit na katunggali?

mag kakaiba tayo ng antas ng pang uunawa. kung hindi mo makita ang nakakubling imahe sa isang larawan wag mong pagpilitan at literalin ang kung ano lang kaya ng mata mo. hindi por que yan lang ang sinakop ng diwa mo ay hanggang diyan lang ang tama. maraming angulo ang maaring hindi mo nakikita at kung may mag turo man sa iyo ng ibang panulukan, magpasalamat ka dahil pinalalawak nya ang isipan mo para mas higitan pa at matunghayan mo ang iba pang kulay ng larawan.

walang masama sa pagsang-ayon. hindi ito tuwirang pag papakita ng kahinaan. sa aking palagay, pag papakita ito ng tapang na tumanggap ng maaring mali ka o tama ka rin pero may tama rin sila at may bagong kang napag-alaman.

pero kung gusto mong tanggapin na hanggang diyan ka na lang at ang 10 ay hindi pwedeng 6 + 4 at tanging 5 + 5 lang ang tamang tumbasan at gusto mong magmatigas… edi sige! buhay mo yan e!

at kahit na magkaanak kayo’t magkatuluyan balang araw May 30, 2009

Posted by damdamn in damdam sulatsulat, damdam tulatula.
1 comment so far

adik sa iyo

***

at sa tuwing maririnig ang linya

ng kantang isang buwan ng hinuhuni

pilit kinakalimutan ang alaalang

nagpangiti at nag pasawi

nagpaluha at nagpangiwi

***

ang kaadikang puspos

naghihimutok sa gapos

ng riyalidad na hindi pwede

kahit sa panginip na hiniram

na pinilit itabi

***

gusto kitang angkinin

hagkan ng parang akin

titigan at paghubarin

simsimin, amuyin

ang saglit namnamin

***

nangangambang pagkahumaling

mahintakutang halinghing

ng tawanan ng katotohanan

na kailanman hindi

loob mo malalambing

***

isa kang droga

pinagbabawal ng aking sistema

nababaliw sa katapatan

ng sugapa ko ng diwa

ng puso kong tanga-tanga

***

natatakot, nasisindak

sa kaadikan nagtutulak

pagpilitan ang pagtanggi

nang di sapat na sarili

ihandog ang wala namang silbi

 

isang tagpo sa buhay ni damdam at santi ep5 March 14, 2009

Posted by damdamn in isang tagpo sa buhay ni damdam at santi.
13 comments

Isang umaga ng Sabado, binati ko ang anak ko para sa napakagandang resulta ng kanya mga exams.

At dahil dyan, sinigurado kong hindi talaga nangopya ang anak ko, so ayun tinanong ko sya ng kung anu-ano.

Nang nasa punto na kami ng “ANO ANG PAMBANSANG…” aba bibo kid si kabisote! Memorize. At dahil isa akong sadistang tumatanong, nagtanong ako ng medjo may kinalaman pero mapapaisip sya.

Damdam: Asan ang color blue ng bandila ng Pilipinas?

Santi: Nasa taas.

Damdam: Galing. E yung pula nasaan?

Santi: Sa baba!

Damdam: okay, Ilan ang stars ng bandila natin?

Nag-isip. Ang tagal. Siguro mga 30 seconds.

Santi: Apat!

Damdam: Apat?! Edi ba tatlo lang, dahil yung isa a…. aww.

At dun narealize kong mali nga naman yung tanong ko.

Apat nga naman kasi!

napurnada kong balentayms February 14, 2009

Posted by damdamn in damdam shareshare.
9 comments

Hindi kami natuloy ng kadate ko ngayong balentayms! BAKIT?

Ganito kasi yun. Tinanong ko sya kung gusto ba nyang lumabas ng sabado, kasi nga balentayms. Sabi nya, sige at san naman daw kami pupunta. Sabi ko, sa dati. Sabi nya sige.

Edi ayus na sana. So ayan, nag paplano pa ako kung saan kami kakain at kung mag sasama ba kami ng iba. Naisip ko ‘wag na nga lang kasi quality time namin yun. Tutal sa sobrang busy ko, bihira na kami makalabas.

BIYERNES:

“Ano, tuloy tayo?”

“sige”

SABADO:

Nag punta ako ng mall ng mga bandang magtatanghalian. Nagpagawa kasi ako ng susi ng kotse(na leche nakita ko rin yung na misplace ko). So given na babae ako at nasa mall, malamang naglibot-libot pa ako. Napansin ko rin kasi lately na palabasa sya, so ayun nag hanap ako ng mga pwede nyang basahin na reading materials na sa tingin ko e magugustuhan nya.

Nagpa carwash ako, kasi sabi nya ayaw daw nya na madumi yung kotse. Di ko na daw napapalinis. Fine. Pinacarwash ko.

After kong magpacarwash, shempre kailangan kong magkikay. Nag pa pedicure ako. Nagsasawa na raw kasi sya sa kulay ng nail polish ko. Palitan ko na daw ng iba at laging ganun na lang daw ang color. So, pinapalitan ko.

Sobrang excited ko nitong araw na ito. As in. Teka, ‘di pa tapos!

Pag balik ko, nakipag kwentuhan muna ako at nabanggit ko na ang daming tao sa mall at medjo may katrapikan na nga. Nakita ko sya, lumabas ng kwarto, hawak yung remote ng tv. Nag smile, tinanong kung ano yung dala ko. Sabi ko gift ko sa kanya sabay abot. Kinuha nya, bumalik sa kwarto, nagpatay ng tv at nagbasa.

Sinundan ko. Tinanong ko sya, tuloy ba kami. Sabi nya ‘wag na lang daw. Kasi daw narinig nya na maraming tao at trapik. Ayaw na daw nyang umalis, mag babasa na lang sya at matutulog. Sabi ko wala masyado kaya. At nagpalusot pa ako! Sabi ba naman sa akin “sabi mo maraming tao kasi valentines!” Tulog na lang tayo pahinga ka na lang.

Napaka buti ng anak ko ano?

Innate nga ata sa mga lalaki ang ganyang ugali. Haynako! Kamusta naman kaming dalawa pag lumaki ‘to?!

9 out of 10 (tagged) February 5, 2009

Posted by damdamn in damdam shareshare, damdam tagtag, damdam tangatanga.
9 comments

dahil sa wala akong masulat lately, eto at nag pa tag ako kay Sherwin.

Mag kwento ng sampung kwento, at ang isa ay kwentong barbero/kutsero. (mula kay badoodles)

9 out of 10

1. Maraming dahilan kung bakit ako tumigil mag drag race. Isa na dito ang napakaraming away na inabot namin nuon sa loob at labas ng team. Isa sa hindi ko makalimutan ay ang pang yayari sa Kalye Industria sa Libis QC.

Nagsimula ang bukasan ng kotse alas-dos pa lang ng madaling araw. Alas-sais na hindi pa sinisimulan ang takbo. At sa wakas sa naisipan nilang humilera na sa starting line ng mga bandang alas -siete. Unang alok nila sa pustahan palit droga at bigay babae. Babae sige payag mga kasama ko, sa droga hindi. Kahit nag dadrag race kami, e mahal pa naman naming buhay namin. Umabot sa 50k ang pusta (more or less, mga ganun sa pagkakatanda ko), sa wakas pera na lang ang napag usapan.

Unang takbo, panalo kami. Pangalawang takbo, hindi counted kasi nauuna bumitaw yung kalaban naming. Umabot sa 5 tries, at nakakapansin na kami na sinusunog na lang ng mga ungas ang clutch ng isat isa. (FYI, importante ang maayos na clutching sa bitaw, hindi pwedeng sunog ito, dahil mag iis-slide lang sya, wlang kuwenta). Sa wakas, bumitaw at panalo rin kami sa second round.

Pero hindi huminto sa tambayan ang mga ungas. Dahan dahan silang nag drive papalapit, sabay ngiti, sabay babay! At dyan nagsimula ang habulan hanggang Kalye Industriya. Sa kakamadali ng mga ulupong, di nila nakita ang isang lubak na malaki, at pumutok ang gulong nito. Huminto sila, huminto rin kami. Lumabas ng sasakyan at shempre yung mga lalaki (which is lahat sila) ayun nakipagrambol na. Ako (na nag iisang babae, na naman) ay nanatili sa labas ng kotse para uhmm, sige na nga aamin na ako; para makigulo rin. Tip: mas okay pa rin ang baseball bat que sa golf club(yeah). Mainam at kasama namin sa tropa ang mga friendships naming mga pulis ng P (bahala ka na kung  pulis ng pasig, paranaque, o pasay yan. Basta di ko sasabihin) na naka off duty para kumarera din. Nahuli silang dumating ng mga 2 mins(kupad kasi ng oto di nakahabol agad). Nagpaputok sila.

Tapos ang gulo. Kanya kanyang alis. Nag text kung saan mag mimeet up. Napagusapan na wag munang mag kita-kita ng 3 linggo. Pero hinunting pa rin namin yung mga ungas after 3 months, nakilala ko rin ang mga ungas. Alam ko bahay ng mga drugista at pusher na yun hanggang ngayon. Isang verbal agreement ang nabuo. Di kami mag tuturo na drugista sila, pero dodoblehin nila ang pusta na tinakbo at pinatalo nila.

2. Marami na akong nalibre ng pamasahe na hindi ko kilala. Ayaw kong na de-delay ang biyahe ng dahil lang sa walang kwentang away. Isang gabi, nakasakay kami sa bus, papauwi na kami galing Baguio, nang nasa Pangasinan na kami, biglang sumigaw ang isang babae sa may likuran habagn nakikipag usap sa kundoktor.

“Dapat walang bayad ang bata!”

“Hindi po pwede, may bayad po talaga ang bata”

“Hindi, ayoko magbigay. Putang ina mo, gahaman kayo”

“Misis, may bayad po talaga ang bata, kung gusto nyo bumaba na lang kayo”

“Sige baba na lang ako”

Huminto ang bus.

“O misis, sige, bumaba na po kayo”

“Walang hiya ka talaga, pababaain nyo nga talaga ako?! E ang dilim dilim dito”

“E pumayag kayo na bumaba na lang e”

“Mga salbahe, palibahasa Muslim ako pababain nyo ako. Ginaganito nyo ako!”

Wag mo akong tanungin paano nasali ang relihiyon nya, dahil hindi ko rin alam. Basta nagkatinginan na lang kami ng kasama ko at umiling.

“Misis kung gusto nyo, may presinto na malapit dito, dun na lang namin kayo ibaba?”

“Putang ina mo, kita mo na ipapapulis nyo pa ako! Mga salbahe kayo”

Hindi ko na kinaya ang usapan. Ayaw kong nakikinig sa nonsense. Una sinayang na nila ang oras namin dahil na delay na kami. Mas mamabutihin ko pang mag eavesdrop sa nag aaway na magshota que sa sa ganito. Hindi ko na matiis kaya sumabat na ako.

“Ako na mag babayad ng pamasahe”

Iniabot ko na lang ang pera sa kunduktor. Nagtaka sya. Ngumiti na lang ako at natulog

3. Alam kong ginagawa lang ng mga security guard ang trabaho nila kaya sila masungit kung minsan pero eto isang kwento na nangyari sa amin ng aking mabuting kaibigan nung ako’y nasa kolehiyo .

Kakatapos lang ng last full show ng pinanood namin nuon, napagisipan naming umupo sa may hagdan para hintayin naman lumabas yung mga kasama naming na iba ang pinanood Tutal, may ibang tao rin naman na nakaupo sa may hagdan. Nakita namin na unti-unting kinausap ni manong-guard-sungit ang mga tao para umalis na at wag umupo sa may hagdan. Pare-pareho kami ng rason; may mga hinihintay pa kami. Pero ang sabi lang ni manong-guard e sa exit na lang daw hintayin.

Nang kami na ang kausap ni manong guard ganito ang nangyari.

“May hinihintay rin kayo? Dun nyo na lang hintayin yan sa exit bawal istambay dito.

“A ganun ho ba? Sige aalis kami pag napaalis nyo yang groupo ng foreigner a yan na nilaktawan nyong sitahin. At oo may hinihintay pa kami na customer nyo”

Umalis na lang sya, palakpak tenga na lang ako.

4. Feb 2004, habang ako ay nag papahinga, pinapatugtog ang Beauty and Madness at nag checheck ng friendster acocunt ko, isang reply ang aking binasa.

“…oo may lyrics sheet pa ako nyan. Punta ka bas a wake ni Miguel?”

Knowing the person who sent me the message, hindi nya kayang magbiro ng ganun. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at nag tatawag sa mga tao. Hindi pala talaga nila pinaalam sa akin agad. Bagong panganak lang kasi ako nun.

Matalik kong naging kaibigan si Migs nung elem at lalong pinatibay pa ng mga kalokohan at pagsasama namin nung highschool. At nung malaman pa namain na magkakilala ang erpats ko at erpats nya, lalong kaming naging close. Isa sya sa nagturo sa akin mag guitara, at nag tiyaga mag turo sa akin mag billiards(na ayaw ko ng pag aralan dahil naalala ko lang sya). Napakabuting tao nun, hindi rin ako sinukuan sa math. Hindi ko rin sya sinukuan sa econ at history. Hindi sya nakakalimot na paalalahanan ako. Laging nandyan para sumaklolo, tapos tatawanan ako pag kami na lang dalawa kung sakaling may katangahan ako. Bag basted sya, ako taga away sa nag basted sa kanya. Pag ako umiiyak dahil sa lalaki, sya taga dagok sa akin para ipamukha ang katotohanan.

Sabi ko sa kanya nun, kung ikakasal ako, hindi ako kukuha ng maid of honor or brides maid, sya ang best man ko. Pero di na mangyayari yun.

Isang gabi, natagpuan ang si Miguel sa may highway ng Commonwelth Ave. Walang malay. Isang mag asawa ang nag dala sa kanya sa hospital sakay ng isang tri-cycle. Mula sa East Avenue Hospital nailipat pa sya ng magulang nya sa St. Lukes. Pag dating sa St. Lukes, nagkamalay pa sya ng ilang minuto at nakausap pa nya tatay nya. Pag katapos i-declare ng doctor nya na safe na si Miguel, nag seizure ito. At tuluyan na nya kaming inunahan.

Hinanda ko ang aking sarili at pumunta ako sa lamay nya. Kasama ng aming mga kaibigan, binalikan naming ang mga moments naming with him. Wala akong nasabi, hindi ako nakapili ng ikukwento. Sa sobrang lungkot ko, hindi ko nakuhang umiyak.

Ang totoo, hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakaiyak sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko, hanggang ngayon, nandito lang sya.

5. Aaminin ko, maldita ako. Marami rami na ring celebrity at pulitiko ang namalditahan ko dahil hindi ko naman sila kilala at wala kong paki kung sikat sila. Ito ang ilan na natatandaan ko:

Isa na si Dudut Jaworski. Kasagsagan ng kampanya ng eleksyon nun. Hinarangan ng batalyon nya ang isang maliit na daanan at ipinarada ang kanyang malaking Prado at ilang mga sasakyan. Nang ako ay daraan sa gilid ng sasakyan nya, hinarang ako ng body guard nya at sa baba na daw si dudut. EH ANONG PAKI KO! Gusto ko lang naman e umuwi ng bahay at wala akong balak makigulo sa mala karnibal ng pulitika ng Pinas.

Tumaas ang kilay ko at hindi nag salita. Inulit nya ang sinabi nya na sa kabila na lang ako dumaan. Sabi ko na lang e, ” bakit hindi kayo ang pumwetso at pumarada dun para wala kayong hassle dito sa daanan ng tao, di kasi parking space to e.”

Bumaba na ang boss nyang si Dudut, at sinabihan ko sya na kung gusto nyang manalo sa eleksyon, palitan nya body guards nya.

Mukhang di sya nagpalit ng bodyguards. Talo sya kay Eusebio.

Ang yumaong si Rudy Fernandez ay isa sa mga damdam ko na rin. Inaamin kong mali naman kasi kami. Nag shoo-shooting sila nuon sa school namin ng mga bandang alas-sais ng gabi. Hindi naman kami inabisuhan ng mga guro namin na may ganun sa school. So, dahil sa kapilyahan namin at sa dakilang pasaway kami e ayun, wala kaming paki sa shooting nila at dirediretso ang kulitan namin.. Hindi kami napahinto sa ingay.

Nilapitan kami ng crew at sabi wag daw kami maingay dahil nag shoo-shooting. At dahil grabe ang kasalbahian ng isa sa amin, walang epekto ang suway. Tapos si Rudy Fernandez na ang lumapit sa amin. Tinanong kami kung wala pa daw ba kaming mga sundo. Sumagot ako ng magalang na “bakit po?”. Sabi nya kasi nag shoo-shooting daw sila at hindi sila matatapos kung maingay daw kami. At dahil pilosopong bata ako, tinanong ko anong kinalaman ng kung may sundo na ba kami o wala? Kasi pwede naman kaming manahimik hindi nya naman kami kailangan palayasin. Pero magalang ako ng ginawa ko yan(takot akong ma suspend). Sabi nya na lang kung tatahimik daw kami e tatapusin na nila agad ang shooting. Sabi ko na lang, good luck sa acting, baka nasundo na kaming lahat tapos recess na namin bukas e nanjan pa kayo.

(Oo na salbahe na ako. Pero nuon pa yan. Nagbago na ako)

Si Bruce Cabral (nung di pa sya sikat, ahaha friend ko yun e, malamang masusungitan ko talaga minsan),

Camille Prats. Buti pa si John Prats, nakakaintindi ng pila.

Angelica Jones. (disclaimer muna) Sya unang nag taray hindi ako. Nasa bar kami nun, tapos lasing na ata sya, tapos ang ingay nya, tapos muntik na syang mapunta sa mesa namin sa harot nya, umangal yung kasama ko nag isang makatindig balahibong “Ano ba naman yan!?!” (oo sarcastic ako) Tapos nag sorry si Angelica ng pa sarcastic. Nairita ako (as usual). Sabi ko wag na lang syang magsorry, maghubad na lang sya, mas matutuwa pa kami.

Mabait naman talaga ako, wag lang mahihiritan ng mali.

6. Naniniwala ako sa “It’s a small world after all”.

Yung ama ng anak ko ay kabarkada ng aking kabarkada nung college. Sa iisang subdivision sila nakatira at mag kabatch sila sa school. Nang mag college ako nag pep squad ako at dun ko nakilala si Roy na friend ni Pet(ama ng anak ko).

Yung drummer naming dati sa banda, kapatid ng batchmate ko na si Jaimie. Nang mag college kami, si Paulo(na bestfriend ko) nakilala si Tembong(naging drummer namin). Hindi nya alam na magkapatid si Jaimie at Tembong(since birth). Na si Tembong e tropa rin ni Pet sa ibang barkada.

Yung boss kong si Mads, kapitbahay ni Greenpinoy.

Yung bago naming officemate na si Bubbles, dating workmate ni Axel.

Yung kasama ko dito sa office na si Manny, kapatid yung teammate ko sa basketball nung highschool ako. At oo, same school din kami lumaki. At kapitbahay pa nya yung teammate ko sa pep squad nung college.

Yung isa kong workmate na si Marty may college friend na si Paul na naging friend si Kiko(na tropa naming ni Pet) na naging friend din si Sam(na batchmate ko nung highschool). Oo, mag kakateam pa sila sa work.

Yung isa sa naging boyfriend ko si Jon (maraming Jon sa mundo, wag kang mag react) may kababata sila JayR na may kapatid na si Sak. Si Sak sing edad ng bunso kong kapatid na si PB, na naging mag tropa naman sila sa school.

At marami pang iba. Hindi ako mag tataka na baka ikaw e may kakilala rin ako na friend mo.

7. Sa tagong part eng katawan ko, may tattoo ng dragon na may background na mountain. Nakuha ko ang ideya mula sa nilalaro kong Legend of the 5 Rings na card strategy game(parang magic the gathering, magkaiba nga lang gameplay). May quote dun ang paborito kong character na si Mirumoto Hitomi na isang member ng Dragon Clan na “I am like the mountain, alone with my strength. I trust no one, so I never need rely on the strengths of others.I am my own lord, my own servant. I carve my own destiny”. I took me almost forever kung talagang ilalagay ko nga yun sa balat ko.

Sa araw na itnakda na para ilagay ko ang obrang aking napili sa aking balat, halos tulakan pa ang nangyari. Hapon kami ng dumating sa shop ng kaibigan ko na nag tatato. Gabi na ng isalang ako. At totoo pala na dapat nakainom ka! Dahil bwakanang shet! Ang saket!

Kung tutuusin labag sa kalooban ko ang ginawa kong yun. Ngunit gusto ko lang ipaalala sa sarili ko ang mga katangahang ginawa ko nuon sa tuwing makikita ko ang tato na yun.

8. Kung naikwento ko na isa akong patunay ng “it’s a small world” isa rin akong patunay na may nadudulot ang katamaran.

Ilang beses ng sinalba ang buhay ko dahil sa katamaran.

Nag mamaneho ako sa may Marcos Highway ng may bumusina na Isuzu Pick-up sa likod ko at iniilawan ako to go faster. Tinamad akong mag mabilis at lumipat ako sa 3rd lane at pinuna ko na sya. Nang malapit na kami sa Marikina-Katipunan bridge, mula sa pa pabalik na lane, isang blue Toyota Corolla ang nawalan ng break ang sumalubong sa area naming. Sumalpok ang Corolla sa pick-up. Kung di ko sya pina-una, malamang ako ang nadale

Isang gabing madilim sa may Corinthians naman. Galing kaming kapihan malapit sa temple ng tinamad akong mag texting while driving. Tinabi ko ang sasakyan, at tinawagan ang nag text sa akin. Kung dumirediretso ako ng maneho malamang nadamay pa ako sa barilan sa may kanto ng Meralco Ave. at Valle Verde.

Isang araw, again tinamad na naman ako. Pina lipas ko ang oras ng nakatanga ako sa kama at nakabukas ang tv habang nag te-training ang daliri ko sa pagpindot ng buton sa remote control. Dapt umaga pa lang e nasa bangko na ako para mag deposito ng pera. Kaso nga tinamad ako. Ang malupit nun, pati kasama ko dapat sa bangko nahawa na rin sa katamaran ko. Nang sumapit ang gabi at sinapian ako sipag, lumabas ako ng bahay at tumambay sa bahay ng kaibigan ko. Dun namin nabalitaan na naholdap ang bangko na dapat pupuntahan namin na itago na lamang natin sa isang acronym na PNB sa may Cainta.

Pero shempre, mas maraming pangyayari na ang pinahamak ako ng katamaran ko. Hindi ko na iisa-isahin dahil mas mahaba yun(at alam kong ang haba na nitong entry na ito)

9. Isang araw, nang ako ay nag babakasyon sa baguio, inutusan ako ng  ko na umakyat sa attic at icheck kung may naiwan yung huling guest na nagstay dun. Tumawag kasi mula Manila para lang i-confirm kung may naiwang maliit na bag.

Umakyat ako sa attic. Ang unang pinto sa kaliwa ay ang communal na cr para sa mga guest. Ang sunod na pinto ay ang room 6 at room 7 ang katapat nun. Pag akyat ko sa hagdan, bukas ang pinto ng cr. Paglampas ko sa may cr, parang napansin kong may sumunod sa akin na reflection mula sa salamin sa loob. Napabalik ako at tinignan kung may tao sa cr. Wala. Walang tao sa cr.

Di ko na pinansin ang naramdaman. Pumunta na ako sa room 7 dahil dun daw sila nag stay. Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang susi, pero wala ang susi. Naglakad ako pabalik ng hagdan para bumaba, baka kasi naiwan ko lang ang susi, pag dating ko sa may cr banda, nakita ko ang susi ng kwarto na nasa sahig. Kinuha ko ito at nagtaka na bakit di man lang ito kumalansing. Naglakad muli ako papuntang room 7 at sa labas ng pinto, may maliit na bag na parang clutch ang nasa mismong harap ng pinto.

Kayo na bahala mag paliwanag. Iyan na ang pinaka di ko maipaliwanag sa lahat ng nangyari sa akin. Ni hindi ko makuhang ikwento dahil ang daming tumatakbo sa isip ko gaya ng paano na lang napunta yung mga yun dun? Bakit di ko nakita agad ang bag? Paano napunta ang susi dun sa banyo? Bakit ako di natatakot? Ano kaya nag aabang sa akin sa loob kung sakaling binuksan ko ang room 7?

Matapos ang kaganapang iyon, inutusan naman ako na mag tanggal ng puting mantel na ginamit para sa overhead projector ng nag guest sa may appartel room. Pagpasok ko, gaya ng naraapat, sarado na ang mga bintana at nakabukas ang mga pinto ng kwarto. Una kong tinanggal ang pagkaka-kabit sa babang parte. Kumuha ako ng upuan para gawing patungan para matanggal ko ang pagkakadikit ng tela sa pader sa bandang itaas. Nang ako ay kusang kinumutan ng tela.

Walang panggagalingan ang hangin dahil sarado nga ang bintana.

Hindi ko na natapos ang pagtatanggal. Patalikod akong naglakad papunta sa kusina, dahil may short cut dun papuntang loob ng lodge. Hinanap ko lola ko, kinuwento ang mga pangyayari. Sabi na lang nya, wag ko ng ikwento sa iba.

Pero dahil pasaway ng ako nuon pa, tinanong ko ang cook namin na si Mang Vlad(nannagturo sa akin mag luto ng chosuey.. ok off topic.. love ko lang talaga sya. ehehe) At gaya ng sinabi ng lola ko, wag ko na daw sabihin pa sa iba. Pfft.

10. Wala na akong makwento kaya yung mga tameme moments ko. Tutal, kanina lang natameme ako.

Isa sa hindi ko makalimutan na tameme moments ko ay nangyari nung ako ay nasa college pa (hindi long ago yan, wag kang oa)

Sya: Uwi ka na.

damdam: ya

Sya: Ah, hindi ka mag te train?

(fyi: may training kasi kami lagi tuwing hapon)

damdam: uhm, papuntang gym

(ang tanga ng sagot di ba? Huweyt ders mor)

Sya: tara sabay na tayo pumunta ng gym

Damdam: kei

Habang nagmamaneho ako papuntang gym  –

Sya: bakit sabi mo uuwi ka na?

Damdam: wala yun.

Sya: dapat ba di ka pupuntang training

(actually dapat hindi, sinamantala ko na lang ang moments na ganito.. na di naman talaga moments)

damdam: mag tetrain

sya: sabay tayo umuwi later ha

Natapos ang training. Ako si engerts, hinintay nga sya, pero sinabay ko naman yung iba. Binaba ko na sila sa mga sakayan nila ng jeep, pero nagpaiwan sya.

Sya: alam mo na naman kung ano ginagawa ko di ba?

Damdam: err no

Sya: nangliligaw ako, pwede ba?

Damdam: parang kuya lang kita e.

PARANG KUYA LANG KITA?

TANGINA?!

SAN GALING YUN?!

1st year pa lang ako, krass ko na ang ungas na yun. At hindi kuya ang tingin ko sa kanya kahit mas matanda sya sa akin. Ang bobo ko talaga sa confrontation na ganito. Potek.

Kinabukasan, hindi na nya ako pinapansin. Tinawanan na lang ako ng friends ko ng malaman nila ang kwento. Kaya naging private joke na sa amin ang “parang kuya lang kita”

AYAN. Tapos na akong mag kwento.. ang dami kong na kwento sorry nobela.

Now im tagging. Goddess. Axel. Antuken. Cutedanger. Beero. UtakMunggo.

ang nasa likod ng pinilakang tabing January 31, 2009

Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam shareshare.
5 comments

Nakapanood ka na ba ng old movies? Yung palabas na in black and white pa na kadalasan napapanood mo na lang sa MGM channel pag gabi na? Napansin mo ba na ang gaganda ng mga babae dun. Parang walang kapintasan at napaka eleganteng tignan. Mayumi at walang bahid ng latay ng stress. Ang sarap nilang titigan at panooring kumanta o sumayaw. Malamyos ang kilos at tunay na nakabibighani.

Nung bata ako, akala ko, lalaki akong tulad nila (hindi black and white ha). Nangarap maging mabighani at kaaya-aya sa mata. Walang ibang iisipin kundi ang mag suklay ng buhok gamit ang malaking brush at humarap sa higanteng salamin. Mamimili sa loob aparador ng magarang damit at dumalo sa isang engrandeng pagtitipon at isasayaw ako ng maginoo at gwapong lalaki.

Ngunit iba ang realidad sa palabas. Sa realidad, ang pagsusuklay ay bilang na bilang ang hagod, may kaagaw ka pa sa salamin. Hindi mo kailangan mag suot ng magarang damit dahil hindi naman engrade ang pupuntahan dahil mag babanat ka lang naman ng buto at swerte mo na lang kung makasabay mo sa elevator ang krass mo at mapansin nya ang nakagawian mo ng outfit. At pag uwi mo, swerte mo na lang kung hindi mo baon ang stress mula sa pinanggalingan mo.

Pero kung tutuusin mas masaya ang realidad. Ang pag hahanap mo ng ikaliligaya mo hindi ka nakatali sa dalawang oras na gaya ng sa palabas. Buong buhay kang makikipag hulaan sa tadhana at makikipag bolahan sa mga sitwasyong dumadating. Ang kumplikasyon ang tunay na nagbibigay ng kulay sa bawat black and white nating buhay na sinimulan. Habang tumatagal, patingkad ng patingkad at lalong pumupusyaw ang paligid. Gumaganda ka at nagiging mabighani sa paraan ng pag dadala mo ng iyong sarili at sa pagpili ng samu’t-saring karakter na pwedeng pagpilian. Nasa desisyon mo kung balak mong maging maganda sa loob at labas.

Walang script na dapat sundan at kailangang kabisaduhin. Hindi bilang ang kilos mo na dapat sumabay sa tugtugin, pwedeng mag freestyle. Pwedeng pumiyok sa inaawit at tumawa pag nagkamali.

Yun nga lang, ang masarap sa palabas… may take two.

Pero ipupusta ko, kung sakaling gagawing pelikula ang buhay mo, mahihirapan kang pumili ng yugto ng isasa-pelikula, dahil ang totoo nyan bawat yugto nito ay mahalaga sa iyo at hindi pwedeng maikwento ng dalawang oras lamang.

haburdey sa akin January 13, 2009

Posted by damdamn in damdam shareshare.
17 comments

Haburdey sa akin!

Ilang taon na ako? Lampas sa quarter of a century old pero nasa kalendaryo pa

Nawala ako sa bilang ng mga araw, at hindi ko namalayan na January 12 na pala kahapon. Akala ko kasi e 11 pa lang. Kung hindi pa ako binati ng Tita ko na “naks, birthday na nya bukas!” e hindi pa ako mapapalingon sa kalendaryo.

Pero ayus lang. Eton a ata ang pinaka kakaibagng bisperas ng kaarawan ko dahil sa sobrang daming kakaibang pang yayari at mga ginawa namin:

Kung kilala no sya, sya ang tunay na ehemplo ng “better be late than later”. Pero nung Lingo, maaga syang dumating at kaming lahat ang late.

Mula kasi sa bahay ni greenpinoy, kailangan pang maglakad ng malayo para lang makapunta sa pinakamalapit na arcade center. Nandun ang shell station, select at jollibee. At kung kilala nyo naman si Lethalverses, sya ang tunay na ehmplo ng “ano naman kung tamad? At least hindi pagod”. Pero ang laking gulat ko nung inaya ko sya na kami na lang ang bumili ng food at pumayag sya.

  • Tatlong beses akong natalo sa poker.

At hindi ako nakabawi man lang… Not my day to gamble I guess.

  • Muli, ay nag sama sama ang Masantol/Final Four

Na kinabibilangan ng mga nilalang na walang love life laging huli mag siuwian at kung “MASANdal TOLog”. Sobrang na miss ko na mag kakasama kaming apat nila Chroneicon, Lethalveres at M. Inabot ata ng buwan ang huling ganitong pag kakataon.

  • Nag cloud watching ng gabi!

Umakyat kami sa bubong nila M kahit ubod at nuknukan ng ginaw! Humiga at nag pinaandar naming ang aming makukulit na iahinasyon at nag cloud watching sa kabilugan ng buwan.

  • Nag feeling rakista! \m/

Nag show kami sa mga estudyante dun sa tapat ng bahay nila M. Nag sasayaw, kanta, at magic at nanguto ng mga estudyante. Namiss ko tuloy mag perform for a crowd. Sana nandun kayo at napanood nyo kalokohan naming

  • Nag almusal ng may kasama

Napaka sarap ang uminom ng kape sa isang bahay na may kasabay ka. Makipag hati sa cinnamon roll with people you enjoy being with.

Isang taon na naman ang lumipas, at nais kong magpasalamat na huwaw! Buhay pa ako! Kahit na nahihirapan na akong magpapayat, kahit na ang daming bagay na ang nakakalimutan ko(ano nga ulit sunod kong sasabihin? Uhmm.. ayun!), kahit napapadalas ang instances na nag kakasakit ako, kahit hirap na akong tumakbo, at lagi na lang akong tulog pag idle ako, at kahit hindi ako naging rakstar, Whoohoo!!! Eto buhay pa rin! Swerte ko at malas ng mga may ayaw, belat!

Salamat sa mga bumati ng advance at bumati ng mismong alas dose ng gabi. Mga nag send ng messages over YM (nag online kahit may trabaho at nag leave ng offline messages), nag plurk (at nag pahayag ng mga pagmamahal nila sa akin.. ok nakangiti pa rin ako), nag send ng text messages, at tumawag.

XOXO!!! Mehel kew keyew!!!

isang tagpo sa buhay ni damdam at santi ep 3 December 29, 2008

Posted by damdamn in isang tagpo sa buhay ni damdam at santi.
9 comments

Nalalapit na ang bagong taon at eto na ata ang pinaka paborito kong tagpo sa buhay naming mang-ina para sa taon na ito:

Isang umaga, kakagaling ko lang sa opisina at naabutan ko sila ermats at erpats na nag aalmusal. Bumati ako ng the usual whats up namin na isang matamis na ngiti sa lahat. Umupo sa aking designated dinning chair at kumuha ng isang pirasong hotdog at pandesal. At inulan na ako ng sermon dahil wala na daw akong ginawa kundi ang magtrabaho at umuwi. Dun ko lang nalaman na masama pala yun. Naman!

Ang punto nila e, mag exercise naman daw ako dahil ang laki na ng nilobo ko. At oo, sinabihan ako ng aking mahal na mga magulang na ang taba taba ko na. Napakasakit ng mga paratang nila. Parang isang krimen ang ginawa ko sa akin katawan daw. Sos yan!

Sa pag inarte ko, pinaspasan ko ang subo ng hotdog (wholesome) at nagtungo ako sa kwarto kung nasaan nakahilata ang aking gwapong anak na si Santi at nanonood ng cartoons. So busy si mokong. Seryoso kasi manood yun, ayaw paistorbo. Kala mo documentary ang pinapanood, walang kamatayang Tom ang Jerry lang naman.

Tinanong ko sya:

damdam: Anak, mataba na ba si Mommy?

santi: (tinignan lang ako mula ulo hanggang paanag irap, at nanood muli)

damdam: Santi, sexy pa ba si Mommy?

santi: (tinignan ako uli) Alam mo… Mahal kita.

Hindi na ako kinibo ng anak ko. Nagtampo ako pumasok sa kwarto ni utol at kinuwento ang nangyari. Tapos gagong PB na yun ang lakas ng tawa! (tataba ka rin ungas…)