ang nasa likod ng pinilakang tabing January 31, 2009
Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam shareshare.5 comments
Nakapanood ka na ba ng old movies? Yung palabas na in black and white pa na kadalasan napapanood mo na lang sa MGM channel pag gabi na? Napansin mo ba na ang gaganda ng mga babae dun. Parang walang kapintasan at napaka eleganteng tignan. Mayumi at walang bahid ng latay ng stress. Ang sarap nilang titigan at panooring kumanta o sumayaw. Malamyos ang kilos at tunay na nakabibighani.
Nung bata ako, akala ko, lalaki akong tulad nila (hindi black and white ha). Nangarap maging mabighani at kaaya-aya sa mata. Walang ibang iisipin kundi ang mag suklay ng buhok gamit ang malaking brush at humarap sa higanteng salamin. Mamimili sa loob aparador ng magarang damit at dumalo sa isang engrandeng pagtitipon at isasayaw ako ng maginoo at gwapong lalaki.
Ngunit iba ang realidad sa palabas. Sa realidad, ang pagsusuklay ay bilang na bilang ang hagod, may kaagaw ka pa sa salamin. Hindi mo kailangan mag suot ng magarang damit dahil hindi naman engrade ang pupuntahan dahil mag babanat ka lang naman ng buto at swerte mo na lang kung makasabay mo sa elevator ang krass mo at mapansin nya ang nakagawian mo ng outfit. At pag uwi mo, swerte mo na lang kung hindi mo baon ang stress mula sa pinanggalingan mo.
Pero kung tutuusin mas masaya ang realidad. Ang pag hahanap mo ng ikaliligaya mo hindi ka nakatali sa dalawang oras na gaya ng sa palabas. Buong buhay kang makikipag hulaan sa tadhana at makikipag bolahan sa mga sitwasyong dumadating. Ang kumplikasyon ang tunay na nagbibigay ng kulay sa bawat black and white nating buhay na sinimulan. Habang tumatagal, patingkad ng patingkad at lalong pumupusyaw ang paligid. Gumaganda ka at nagiging mabighani sa paraan ng pag dadala mo ng iyong sarili at sa pagpili ng samu’t-saring karakter na pwedeng pagpilian. Nasa desisyon mo kung balak mong maging maganda sa loob at labas.
Walang script na dapat sundan at kailangang kabisaduhin. Hindi bilang ang kilos mo na dapat sumabay sa tugtugin, pwedeng mag freestyle. Pwedeng pumiyok sa inaawit at tumawa pag nagkamali.
Yun nga lang, ang masarap sa palabas… may take two.
Pero ipupusta ko, kung sakaling gagawing pelikula ang buhay mo, mahihirapan kang pumili ng yugto ng isasa-pelikula, dahil ang totoo nyan bawat yugto nito ay mahalaga sa iyo at hindi pwedeng maikwento ng dalawang oras lamang.
haburdey sa akin January 13, 2009
Posted by damdamn in damdam shareshare.17 comments
Haburdey sa akin!
Ilang taon na ako? Lampas sa quarter of a century old pero nasa kalendaryo pa
Nawala ako sa bilang ng mga araw, at hindi ko namalayan na January 12 na pala kahapon. Akala ko kasi e 11 pa lang. Kung hindi pa ako binati ng Tita ko na “naks, birthday na nya bukas!” e hindi pa ako mapapalingon sa kalendaryo.
Pero ayus lang. Eton a ata ang pinaka kakaibagng bisperas ng kaarawan ko dahil sa sobrang daming kakaibang pang yayari at mga ginawa namin:
- Naunahan kaming lahat ni Chroneicon sa venue.
Kung kilala no sya, sya ang tunay na ehemplo ng “better be late than later”. Pero nung Lingo, maaga syang dumating at kaming lahat ang late.
- Napalakad ko si Lethalverses para mag order sa Jollibee.
Mula kasi sa bahay ni greenpinoy, kailangan pang maglakad ng malayo para lang makapunta sa pinakamalapit na arcade center. Nandun ang shell station, select at jollibee. At kung kilala nyo naman si Lethalverses, sya ang tunay na ehmplo ng “ano naman kung tamad? At least hindi pagod”. Pero ang laking gulat ko nung inaya ko sya na kami na lang ang bumili ng food at pumayag sya.
- Tatlong beses akong natalo sa poker.
At hindi ako nakabawi man lang… Not my day to gamble I guess.
- Muli, ay nag sama sama ang Masantol/Final Four
Na kinabibilangan ng mga nilalang na walang love life laging huli mag siuwian at kung “MASANdal TOLog”. Sobrang na miss ko na mag kakasama kaming apat nila Chroneicon, Lethalveres at M. Inabot ata ng buwan ang huling ganitong pag kakataon.
- Nag cloud watching ng gabi!
Umakyat kami sa bubong nila M kahit ubod at nuknukan ng ginaw! Humiga at nag pinaandar naming ang aming makukulit na iahinasyon at nag cloud watching sa kabilugan ng buwan.
- Nag feeling rakista! \m/
Nag show kami sa mga estudyante dun sa tapat ng bahay nila M. Nag sasayaw, kanta, at magic at nanguto ng mga estudyante. Namiss ko tuloy mag perform for a crowd. Sana nandun kayo at napanood nyo kalokohan naming
- Nag almusal ng may kasama
Napaka sarap ang uminom ng kape sa isang bahay na may kasabay ka. Makipag hati sa cinnamon roll with people you enjoy being with.
Isang taon na naman ang lumipas, at nais kong magpasalamat na huwaw! Buhay pa ako! Kahit na nahihirapan na akong magpapayat, kahit na ang daming bagay na ang nakakalimutan ko(ano nga ulit sunod kong sasabihin? Uhmm.. ayun!), kahit napapadalas ang instances na nag kakasakit ako, kahit hirap na akong tumakbo, at lagi na lang akong tulog pag idle ako, at kahit hindi ako naging rakstar, Whoohoo!!! Eto buhay pa rin! Swerte ko at malas ng mga may ayaw, belat!
Salamat sa mga bumati ng advance at bumati ng mismong alas dose ng gabi. Mga nag send ng messages over YM (nag online kahit may trabaho at nag leave ng offline messages), nag plurk (at nag pahayag ng mga pagmamahal nila sa akin.. ok nakangiti pa rin ako), nag send ng text messages, at tumawag.
XOXO!!! Mehel kew keyew!!!
isang makirot na tagpo sa buhay ni damdam at santi January 6, 2009
Posted by damdamn in isang tagpo sa buhay ni damdam at santi.10 comments
isang makirot na tagpo ni santi at damdam.
usang umaga, nasa sala si santi, mama ni damdam at tita ni damdam
damdam: naks bukas birthday na nya!
mama ni damdam: oo bukas may handaan sa school
damdam: shempre nandun ako
santi: e si daddy?
tita: sos, pasko at bagong taon di ka man lang tinawagan!
damdam: (tumingin sa tita ko at umiling. kinarga ni damdam si santi) okay lang yun di ba na wala si daddy?
santi: okay lang, sayang di nya ma mimeet si Chelsea (sabay yakap si santi ng mahigpit)
si chelsey nga pala ang “girlfriend” ni santi sa school.
at anak ko pa nang hihinayang sa mga nangyayari. hindi ang ama nya.
happy birthday anak. susubukan kong maging malakas at matatag para sa iyo. hindi mo ako makikitang ganitong luhaan. ikaw lang ang lalaking mamahalin ko ng walang pag aalinlangan.
i love you
-mommy-
*bukas na lang yung post na masaya. mag eemohan muna ako.*
UPDATE: Jan 7 – 7AM
Mabait talaga si Lord sa akin. Mantakin mong nag wowork pa rin sa akin ang dasal! Naks! Later, sasama ang daddy ni Santi sa school for the pabirthday! He will be there. He promised. I’m still blessed.
AT! Mamimiit na rin nya si Chelsea! ahahahaahah!!!
i remember teh boy.. January 4, 2009
Posted by damdamn in damdam shareshare.4 comments
I remember the boy but I don’t remember the feelings anymore.
Naalala mo pa ba ang first break up mo? Naks! Usapang nakalipas at nilimot na pag ibig. Yihee. Naalala mo ba ang mga panahon na akala mo katapusan na ng mundo dahil iniwan ka nya o nag desisyon ka na iwan mo na sya. Napapaisip ka ba ngayon kung nasaan na kaya ang bitch/mokong (o kung ano man ang pwede mong itawag) na iyon? Bitter ka pa ba? O natatawanan mo na lang?
Naisip ko lang ang entry na ito dahil nakakagagong bumwelo ang ex ng pinsan kong si Paolo. Parang hinintay ang lang pasko at bagong taon bago nakipag hiwalay. At first break up nya. Nasasaktan ako para sa kanya at naawa kasi sa utol ko pang si PB sya lumapit. Ironic, dahil si PB ang nag papaiyak (peace pb? Naah! I’ll stick to my opinion.) At kung sa akin sya lumapit e baka ipakilala ko sa kanya si mang jose cuervo at si San Miguel.
Mag she-share ba ako ng first breakup ko? Uhmm sige, para di naman KJ. Pero di ko na idedetalye. Basta ang alam ko buwan ang lumipas bako ako tuluyang naka recover. Marami na nakakaalam ng storyang sa kakaiyak ko sa gabing yun e minsan binato ako ng unan ng utol kong si L.A. at nasigawan ako ng “ATE! Magpatulog ka naman! Break up lang yan! Di pa katapusan ng mundo!”
Napaka husay na payo mula sa kapatid na nagmamalasakit *sarcasm at its best*. Tumatak sa utak ko ang tagpong iyon. Kung nabuhay ako ng 18 years na wala sya e, davah? Pero, oo masakit sya nuon. Parang umiikot ang tyan ko sa tuwing maalala ko ang break up, tapos nangingilid ang luha ko. Unan ang ginawa kong patakan ng luha at kumot ang ginamit kong shades para sa realidad na wala na kami.
Today I heard them play the song again
An old familiar strain from way back when
Ev’ry note and ev’ry line
It’s always been a fav’rite song of mine
Hindi ako tipikal na nag sunog ng mga sulat nya at nag bura ng mga text messages nya. Tinago kong lahat(except the text messages, i lost that phone) Hanggang ngayon alam ko nasa bahay pa ang mga sulat(naks sentimental!) Bakit? Dahil alam kong darating ang araw tulad nito na babalikan kong muli ang alaala at mapapangiti na lang na minsan, nuong mas bata ako ay nagmahal at nabigo *insert senti song here*. Nangarap ako ng panghabang buhay na taon lang pala ang pag sasamahan namin.
Hindi ako umiwas sa mga kanta na pinag tripan namin at mga lugar na pinuntahan naming dalawa at mga pagkain na paborito namin. Sa katunayan, we still sing the songs, we still go to those places, we still enjoy the food, iba na nga lang ang mga kasama namin ngayon. But I still receive messages from him, telling me he’s at this place we went and he remembers me. (oha!)
It used to haunt me so some years ago
Reminds me of the boy I used to know
And although the melody lives on
The mem’ries and the boy are all but gone
Maayos ang break up namin. Parehong nagkasundo. Parehong nagdramahan. Parehong nanghinayang. Pero wala naman kaming better option but to adhere. Parehong yari ang mga future naming kung di kami susunod. Nagparaya ako sa kagustuhan ng magulang nya. Iba ang minarapat at ako ang lalayo.
At ano ang ginawa ko to recover? Hindi ako nag kwento. Lalong magugulo ang utak ko kung mag kukwento ako, dahil pihado iba’t iba ang opinion ng lahat sa break up namin. At ayaw kong masaktan ang iba para sa akin. Nilibang ko sarili ko. Lumabas ng bahay at pinatotoo na hindi pa katapusan ng mundo. Hindi ko binuksan ang storya kahit kanino muna. I tried different things. Nagpaka busy ako sa pag susulat ng mga panahon na iyon. At shempre it’s the best reason to party!!! And meet other people. Nyehehehe. *kulog kidlat*
So while the song still brings that certain glow
And the words still sing of love I know
It isn’t why the way it was before
I remember the boy but I don’t remember
the feelings I remember the boy
but I don’t remember the feelings anymore…
Sigurado naman akong malalampasan ng pinsan ko ang mga pangyayaring ito. Malungkot mang aminin ngunit karamihan sa atin ang dumaan sa ganitong yugto. Natuto tayo mula sa sakit. Nangako pa siguro ang ilan na ‘di na mauulit ang ganito at maaring ‘di rin natupad ang pangakong iyon. Ngunit sabi nga ‘di natatapos ang buhay pag tinapos ang isang relasyon. Sige iiyak mo, kahit ilang galon ng luha pa iyan. Mag emohan ka hanggat gusto mo. Tawagin ang tropa at makipag palakihan ng atay at idaan sa maboteng usapan. Bahala ka sa kung paanong paraan ka giginhawa, ikaw pa rin ang masusunod. Tutal, wala kang magagawa at di mo pwedeng pigilan ng basta-basta ang ipagpatuloy ang lahat. Hadlangan mo man, tutuloy pa rin ang paligid sa pagbago at ikaw lang ang talo kung di ka sumunod sa ikot. Baunin mo na lang ang iyong natutunan mula sa sakit dahil ‘di mo alam kung kailan ka ulit sasabak sa isa na namang yugto ng pagibig.
isang tagpo sa buhay ni damdam at santi ep 3 December 29, 2008
Posted by damdamn in isang tagpo sa buhay ni damdam at santi.9 comments
Nalalapit na ang bagong taon at eto na ata ang pinaka paborito kong tagpo sa buhay naming mang-ina para sa taon na ito:
Isang umaga, kakagaling ko lang sa opisina at naabutan ko sila ermats at erpats na nag aalmusal. Bumati ako ng the usual whats up namin na isang matamis na ngiti sa lahat. Umupo sa aking designated dinning chair at kumuha ng isang pirasong hotdog at pandesal. At inulan na ako ng sermon dahil wala na daw akong ginawa kundi ang magtrabaho at umuwi. Dun ko lang nalaman na masama pala yun. Naman!
Ang punto nila e, mag exercise naman daw ako dahil ang laki na ng nilobo ko. At oo, sinabihan ako ng aking mahal na mga magulang na ang taba taba ko na. Napakasakit ng mga paratang nila. Parang isang krimen ang ginawa ko sa akin katawan daw. Sos yan!
Sa pag inarte ko, pinaspasan ko ang subo ng hotdog (wholesome) at nagtungo ako sa kwarto kung nasaan nakahilata ang aking gwapong anak na si Santi at nanonood ng cartoons. So busy si mokong. Seryoso kasi manood yun, ayaw paistorbo. Kala mo documentary ang pinapanood, walang kamatayang Tom ang Jerry lang naman.
Tinanong ko sya:
damdam: Anak, mataba na ba si Mommy?
santi: (tinignan lang ako mula ulo hanggang paanag irap, at nanood muli)
damdam: Santi, sexy pa ba si Mommy?
santi: (tinignan ako uli) Alam mo… Mahal kita.
Hindi na ako kinibo ng anak ko. Nagtampo ako pumasok sa kwarto ni utol at kinuwento ang nangyari. Tapos gagong PB na yun ang lakas ng tawa! (tataba ka rin ungas…)
naalala ko lang naman… December 24, 2008
Posted by damdamn in damdam shareshare.comments closed
Naalala ko lang:
…Nang minsan pauwi tayo nun mula sa tambayan. Gaya ng madalas ikaw ang mag mamaneho para sa akin hanggang apartment mo. Tapos mag lalambing ka na wag muna akong umuwi, samahan muna kita kahit tatlong stick lang ng yosi. Tapos pag lulutuan mo ako ng walang sawang prito at instant pancit canton.
…Nang minsan wala akong kasama sa may hagdan, bigla ka nag text. Sabi mo nakita mo ako habang nasa kotse ka. Wag akong umalis at sasamahan mo ako. Tatlong oras tayo nandun. Parang kala mo walang ibang araw para mag kulitan.
…Nang minsan sabayan mo ako sa pag kanta. Ikaw mag gui-guitara ako mag kakamali sa mga linya… at ikaw matatawa.
…Nang minsan wala tayong magawa, dahil nag sasawa na tayo sa kakainom. Nag isip tayo ng gagawin at dun nabuo ang mga joy ride natin sa kung saan-saan. Hanggat may gas at may yosi, sige lang, kahit saan mapadpad.
…Nang minsan nag-init ang ulo mo sa isang di mapalampas na bagay, at sabi mo wag akong matakot sa angal mo. Ako pa pinangiti mo nuon dahil nakikita mo na nag aalala na ako
…Nang minsan pagod na pagod na ako tapos nagkita tayo, sabi mo umupo na lang ako. Di ko namalayan nakatulog na ako sa tabi mo tapos pag gising ko yung jacket mo naka kumot na sa akin.
…Nang minsan ako naman ang mainit ang ulo at gusto kong uminom ng walang humpay, kaso ayaw ko dahil mag mamaneho pa pauwi. Pinangako mo na hindi ka iinom ng sobra at ikaw na ang mag hahatid sa akini. Ako si tanga pumayag. Hindi ko alam paano ako nakaabot sa kama mo at paggising ko may almusal pa ako at yosing nakahanda.
…Nang minsan nawalan ako ng wallet, lahat ng litrato nandun. Makalipas ang isang lingo nag pa develop ka ng pictures natin, at nilagay mo sa wallet na regalo mo. (ayun nawala ulit yung wallet, wala na akong picture natin)
…Nang minsan puyat at sabog na ako sa dami ng papers ko. Tulala na ako at wala sa hulog habang nakatambak ako sa bahay mo. Gumawa ka ng playlist sa computer mo na pinangalan mo sa akin at sabi mo patutugin ko pag ngarag na ako.
…Nang minsan mugto ang mata ko dahil nag hiwalay kami nuon. Hindi ka na nagtanong ng kung anong nangyari. Inakap mo na lang ako at sabi mo “kaya mo yan… ikaw pa”
Kung wala ka nuon, matagal bago ko makaya.
At nung nawala ka na
dun ko lang nalaman
mahal na pala kita…
buktot December 15, 2008
Posted by damdamn in damdam sulatsulat.3 comments
Lahat tayo ay may sumpang kakambal ng isinilang. Sa ayaw mo man mo gusto. Hindi ka banal. Lagi tayong nauudyok ng ating isipin at tinutulak ng ating imahenasyon sa mga bawal. At sa isang sulok ng utak mo hinihiling mo ang isang bagay na hindi mo rin gustong sambitin dahil alam mong kasuklam-suklam ang nais mong mangyari sa iyong kapwa. Iniilusyon mo kung paano mo gagawin ang maitim mong balak, ngunit tao ka lang, walang kapangyarihan na pasunurin ang lahat at naiisip mo rin na wala kang sapat na lakas ng loob. Ito ang ang isa sa mga ninga-ngani-ngani, agam-agam at ligalig na nag dadagdag ng kulay sa hiwaga ng buhay. Ang iyong kabuktutang sikreto.
Ngayong pa at nalalapit ang pasko, hindi ito ang tamang oras para pag usapan ito. Kung kaya, hindi ko muna tatapusin. Next year na… Puro kasalbahian lang ang isisiwalat ko. At malamang di ako maka receive ng gift kay santa pag tinuloy ko pa itong entry na to. Next year tatapusin ko rin. k? k.
re post: dahil di ko kayang ipaliwanag ulit… December 11, 2008
Posted by damdamn in damdam isip-isip.3 comments
Papaano
by -damdam-
Paano tapusin ang bagay
na hindi naman nasimulan?
Paano hanapin, magsusumamo,
sa pagkakataong di naman natamo,
Matimyas na ngiti at malamyos na akap,
ang dumatal ay hangin lamang
Paano kong pababayaan,
ang hindi naging akin man lang?
Paano ko maiiwanan,
hindi naman dinatnan?
Sumalubong ng parating
ng walang talatakdaan.
Manglunggati ng dilat,
kahit nakatirik sa arawan
Ang diwang tulog at pusong durog,
konsensyang nagtatawanan.
Paano wakasan ang lahat,
nang walang namang niluwal.
At paano sumuway sa batas
ng walang nagbabawal?
Paano magpapaalam,
sa hindi naman humantong?
At lisanin ang lugar
na hindi naman natunton?
*pasok gary v.. nawawala bumabalik heto na naman!
just one wish this christmas December 9, 2008
Posted by damdamn in damdam tanongtanong.comments closed
Kamusta? Balita ko nga busy ka sa maraming bagay. Naayos mo na ba yung sa kabilang bahay at sa kotse? Hindi pa rin tapos? Sige good luck sa pag aayos nyan. Alam kong di ka pa rin nag babago. Sa huli ka na kikilos.
Hindi ba nabanggit sa iyo ng kahit na sino, na araw-araw kang hinahanap ni santi? Nag tatanong ng kailan ka darating? O kailan kayo lalabas o bisitahin man lang sya? Hindi na sangol ang anak natin, nag kakaisip na sya. Nagpaturo pa sya kung paano tumawag sa inyo. Alam mo ba, memorize na nya landline number mo. Pero wala naman sumasagot. Kung makikita mo lang kung paano malanta ang itsura nya sa tuwing ibaba nya ang telepono ng bigo. Minsan, itatanong nya kung turn mo na bang mag abot ng needs nya. Kasi daw baka sakaling makita ka nya. Kaso, sa tuwing turn mo na mag bigay ng needs nya, dadaan ka lang tapos iaabot sa gate, tapos aalis ka na.
Hindi kita mapuntahan naman sa bahay ninyo, dahil ayoko na magtalo pa kayo ng girlfriend mo. Pero sana naman, kahit ilang pulgada e pantayan mo pag uunawa ko sa sitwasyon nyo ni ella sa sitwasyon nyo ni santi. Wala akong balak palakihin ang anak natin ng may hinanakit sa iyo lalo pa at wala naman tayong galit sa isa’t isa.
Dati rati, naiintindihan ko kung bakit di ka makapunta sa bahay namin dahil nga nandun ang tatay ko at ayaw mo ng aberya. Naiintindihan ko, pinag taggol at pinag takpan pa kita sa magulang ko kung tutuusin. Ngayon, di ko na alam kung ano naman ang bago mong rason. Sabihin mo, baka sakaling kaya kong pag takpan rin kay santi. Kung ayaw kang papuntahin dito ni ella, papaintindi ko kay santi yun. Kung wala kang pang gas, susunduin kita, ihahatid pa kita pabalik mag papakain at kape pa ako. Kung wala kang oras, kami na mag aadjust para sa iyo. Makita ko lang mag ama ko na mag kasama kahit isang oras lang.
Nang minsan na tumawag ako sa cellphone mo, di mo sinagot. Sa halip isang text message mula sa girlfriend mo ang natanggap ko at nag tatanong “.. bakit? wala na bang gatas si santi?” Hindi ako tumawag para humingi ng kahit na ano ng araw na iyon, gusto ko lang maging ina para sa anak ko. Gumagawa lang ako ng paraan para man lang may maisagot ako sa mga tanong nya. Kung sa tipikal na separated parents ang magiging drama ng buhay ng anak natin, sabihin mo na agad ng maaga para hindi na ako nag hihikahos na ipaintindi sa kanya na “mahal ka ng daddy mo at namimiss ka rin nya” at hindi na ako naghahagilap ng rason sa follow up question nya na “talaga, e bakit di nya ako hinahanap?”
Magpakita ka man lang kay santi, ilabas mo naman sya. Kilala mo ako, hindi ako mahilig magsumamo pero, nagmamakaawa ako, maging ama ka man lang kahit isang araw lang para sa anak mo. Wala akong ibang hiniling sa iyo, kahit sustento wala, inaako ko na ang lahat kung tutuusin. Konting oras lang hinihingi ng anak mo.
Pero kung tinatalikuran mo na ang lahat sa kanya, sabihin mo lang. Hindi na ko na sya paaasahin pa.
Sana masaya pasko mo. Pahihintayin ko ba si santi na dadalaw ka sa araw na ito?
tumpak! December 4, 2008
Posted by damdamn in damdam isip-isip.16 comments
Tumpak!
May iba ka pa bang mas matinong pag pipilian?
Nakakairitang isipin na sa halos lahat ng bagay na pag dedesisisyunan mo e walang perperktong sagot, walang swak na sulusyon. Que simleng ano ba ang dapat isuot hanggang sa pinaka-mahirap na issue ng 2 ply o 3 ply tissue?
Kadalasan sa ating mga solusyon ay marami tayong mga bagay na isinasaalang-alang(nabulol ako dun, try mo out loud sabihin) kaya tayo nahihirapan mag desisyon. Mas maraming factors to consider, mas kumplikado.
Kung ano man ang pipiliin mong pintuan, try to convince your brain and your heart na yun ang gusto mo at panindigan mo. Mahalin mo desisyon mo at magpakasaya ka. But be brave enough and save a little courage para harapin ang mali kung sakaling palpak at aminin ang kamalian ng desisyon at… walang sisihan.
Tao ka lang. Pwedeng pwede kang magkamali ng pintuang pipiliin dahil madalas, sa mundong ‘to wala naman talagang absoulte na tama wala ring absolute na mali. Lahat relatibo, lahat subjective. Kaya wag kang matakot na pumili ng papasuking pinto. Buhay mo yan at desisyon mo pa rin ang mananaig.
To decide, to be at the level of choice, is to take responsibility for your life and to be in control of your life.
Abbie M Dale
