lisensyahan na yan! February 18, 2009
Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam tanongtanong.9 comments
Hindi ko alam kung saan ko ito narinig pero…
Ang marriage license dapat renewable every year o every 3 years, parang lisensya ng driver lang.
Kung magiging ganito na kaya ang patakaran, kamusta naman ang pag aamok ng relihiyon na ayaw ng diborsyo? Pero ang exciting sigurong ng abangan nito taun-taon. Mantakin mo, hindi na mauuso ang “taking each other forgranted” issue. Halos buwan-buwan pa rin kayong nag liligawan kung sakaling mahal nyo talaga ang isa’t-isa. Dahil shempre, matatakot ang isa sa inyo na baka din a mag renew ang isa. Walang pangakong mapapko si mister o si misis. Takot lang nila sa isa’t-isa.
Fair enough din sa mga nag subok ngunit bigo. At least, di na sila dadaan pa sa masalimuot na proseso ng annulment or divorce at wala ng mahabang palinawagan sa korte kung bakit kailangan i-grant ang request nilang maghiwalay ng opisyal. Mas less ang scandalo.
So ano na? signature campaign na tayo para sa ideyang ito? Tara lets! Ahahaha!
—————
Isang dapat pang ginagawan ng lisensya o restriction ay ang pagpaparami ng anak. Dapat may limit siguro na hanggang 4 lang (o 2 lang) tapos kung gusto nilang mag anak pa ng marami e dapat ma reach ng mga magulang ang certain level of financial income at pasadong psycho test.
Sa ganitong paraan, mabibigyan (daw) ng maayos na kinabukasan at sapat na opurtunidad ang bawat batang ipapanganak. Hindi na naman na siguro ganun ka tututol ang mga relihiyong di payag sa family planning. Hindi bat sa bawat karapatan ay may nakakabit na responsibilidad?
—————
Dapat rin daw multa ng mga nag momotor. Hindi sa ayaw ko sa mga scooter at mga motor na nagsilipana sa daan na wala ng ginawa kundi ang magtahi ng kalsada na akala mo ba ay lagging mga natatae sa paspas karipas ng takbo. Sadyang dumadami lang talaga ang mga de-motor na nakakalimot bitbitin ang kanilang utak sa tuwing aalis sila ng bahay.
Kung tataasan ang multa sa bawat violation nila e nasa malamang e matuto silang mang hinayang sa pera at mapipilitan silang dumisilina sa daan.
—————
Minsan kasi pag di madaan sa pakiusap, mas ayus na rin na gawan ng batas o palitan ang nakagawian. Wala naman masama sa pag babago, lalo na kung marami ang makikinabang at para sa ikasasaya ng lahat. Masyado ng masalimuot ang buhay, kaya kung di pa tayo gagawa ng pagbabago, at aangal lang tayo ng aangal e ano pang saysay ng mga putok ng butsi natin?
—————
At oo, yung last paragraph lang ata ang may saysay sa mga sinabi ko.
just one wish this christmas December 9, 2008
Posted by damdamn in damdam tanongtanong.comments closed
Kamusta? Balita ko nga busy ka sa maraming bagay. Naayos mo na ba yung sa kabilang bahay at sa kotse? Hindi pa rin tapos? Sige good luck sa pag aayos nyan. Alam kong di ka pa rin nag babago. Sa huli ka na kikilos.
Hindi ba nabanggit sa iyo ng kahit na sino, na araw-araw kang hinahanap ni santi? Nag tatanong ng kailan ka darating? O kailan kayo lalabas o bisitahin man lang sya? Hindi na sangol ang anak natin, nag kakaisip na sya. Nagpaturo pa sya kung paano tumawag sa inyo. Alam mo ba, memorize na nya landline number mo. Pero wala naman sumasagot. Kung makikita mo lang kung paano malanta ang itsura nya sa tuwing ibaba nya ang telepono ng bigo. Minsan, itatanong nya kung turn mo na bang mag abot ng needs nya. Kasi daw baka sakaling makita ka nya. Kaso, sa tuwing turn mo na mag bigay ng needs nya, dadaan ka lang tapos iaabot sa gate, tapos aalis ka na.
Hindi kita mapuntahan naman sa bahay ninyo, dahil ayoko na magtalo pa kayo ng girlfriend mo. Pero sana naman, kahit ilang pulgada e pantayan mo pag uunawa ko sa sitwasyon nyo ni ella sa sitwasyon nyo ni santi. Wala akong balak palakihin ang anak natin ng may hinanakit sa iyo lalo pa at wala naman tayong galit sa isa’t isa.
Dati rati, naiintindihan ko kung bakit di ka makapunta sa bahay namin dahil nga nandun ang tatay ko at ayaw mo ng aberya. Naiintindihan ko, pinag taggol at pinag takpan pa kita sa magulang ko kung tutuusin. Ngayon, di ko na alam kung ano naman ang bago mong rason. Sabihin mo, baka sakaling kaya kong pag takpan rin kay santi. Kung ayaw kang papuntahin dito ni ella, papaintindi ko kay santi yun. Kung wala kang pang gas, susunduin kita, ihahatid pa kita pabalik mag papakain at kape pa ako. Kung wala kang oras, kami na mag aadjust para sa iyo. Makita ko lang mag ama ko na mag kasama kahit isang oras lang.
Nang minsan na tumawag ako sa cellphone mo, di mo sinagot. Sa halip isang text message mula sa girlfriend mo ang natanggap ko at nag tatanong “.. bakit? wala na bang gatas si santi?” Hindi ako tumawag para humingi ng kahit na ano ng araw na iyon, gusto ko lang maging ina para sa anak ko. Gumagawa lang ako ng paraan para man lang may maisagot ako sa mga tanong nya. Kung sa tipikal na separated parents ang magiging drama ng buhay ng anak natin, sabihin mo na agad ng maaga para hindi na ako nag hihikahos na ipaintindi sa kanya na “mahal ka ng daddy mo at namimiss ka rin nya” at hindi na ako naghahagilap ng rason sa follow up question nya na “talaga, e bakit di nya ako hinahanap?”
Magpakita ka man lang kay santi, ilabas mo naman sya. Kilala mo ako, hindi ako mahilig magsumamo pero, nagmamakaawa ako, maging ama ka man lang kahit isang araw lang para sa anak mo. Wala akong ibang hiniling sa iyo, kahit sustento wala, inaako ko na ang lahat kung tutuusin. Konting oras lang hinihingi ng anak mo.
Pero kung tinatalikuran mo na ang lahat sa kanya, sabihin mo lang. Hindi na ko na sya paaasahin pa.
Sana masaya pasko mo. Pahihintayin ko ba si santi na dadalaw ka sa araw na ito?