Skip navigation

bakit gusto kong mamatay ng maaga? dont get me wrong. hindi ako suicidal. ayaw ko lang na mangyari sa akin ang mga sumusunod pag lumampas pa ng 40 ang edad ko:

 

- yung anak ko kasi, nasa malaki ang pagchansa na tumira sya kasama ng tatay nya sa ibang bansa. ayaw ko na habang buhay akong mangungulila. hindi ko kaya. at wag mong sabihin sa akin na gumawa ulit ng panibagong anak. gaga ka ba? ano yun parang tuta na play dead, fetch, at attack lang ang pwede mong ituro e ayus na? hindi ganun kadaling maging magulang no, masarap lang ang guma….mela pag dinikdik sa tabo na may tide powder.. (bubbles!)

 

- ayaw ko mamatay na ang panget ko sa kabaong.

 

- ayaw kong makitang mangulubot katawan ko.. ng mag-isa. hindi na ako naniniwala na may isang taong nararapat sa akin na gagawin akong higit na sapat para sa kanya. wala nun. isang malaking joke yun.

 

- hindi ko na kakayanin pang sumabay sa mga kaimoralang pagbabago ng mundo. ayaw kong tumanda na ikukumpara ko ang buhay ng 80s, 90s at 2000s sa mga susunod na panahon.

 

- hindi kailan man magiging maganda sa pandinig ko ang salitang LOLA.

 

- mapipilitan akong maging seryoso kunwari. kasi pag groovy lola naman ako, di naman ako igagalang. bakit sa tingin mo yang mga lintek na kabataan na yan e matuto pa ng kabutihang asal sa matanda? e sos, sarili nga nila binabalahura nila, ibang tao pa kaya? (lol, generalized.. dont kill me.. not yet, pag 40 na ako)

 

- wala akong balak ialay ang buhay ko para lang mag alaga rin ng iba. buong buhay ko, ako ang nag aasikaso, ako ang nagaalaga sa paraan na alam ko. ayaw ko na dumating ang panahon na pati kung sino e aalagaan ko pa dahil sa rason na kadugo ko sila. hindi ako mabait. gusto ko lang  magpasaya ng iba, hindi maging yaya/nurse/silbedora.

 

- at kung sasabihin mo sa akin na pag tanda ko e pag kakataon ko na para ako naman ang alagaan. sige nga, sino mag aalaga sa akin? anak ko na sasama sa tatay nya? asawa? e wala nga akong aasawahin. alagaan ako ng mga binayarang tao? tapos malalapit ang loob ko sa kanila tapos maalala ko lang yung buhay ko nuong kabataan ko dahil shempre magkukwentuhan kami? wag na. too much emo. ang sagwa ng emo na lola. tapos mapagtatanto ko na, lishak! sino ba nag babayad sa mga alalay ko? yung mga “mahal” ko sa buhay na walang panahon sa akin. o wag mo akong sabihan ng ang nega ko, dahil, HOY, buklat mo nga yang mata mong dilat, iilang pirasong pamilya na lang ang may pakialam sa family time.

 

- ayaw kong maging pabigat sa iba at masumbatan. mabisyo ako. yosi at puyat. sa tancha ko pag di pa ako natutong magayos ng kalusugan ko pag tuntong ko ng trenta e sa ika trenta y sinco ko, may sakit na akong OA. hindi magandang habang inaalagaan ka kuno e nasa likod ng bawat utak nila na “ayaaaan, kasi nag yosi paaaa.. “

 

- at kung sasabihin mo naman na ang sakim ko, oo nga, sakim nga ako.

 

Samakatuwid, gusto ko lang ng puro saya, ayaw ko ng pahirap at lungkot. At ang ma deads ng maaga ang pinakamabilis na pag takas sa realidad ng mga susunod na masasakit na pagbabago. hindi ako takot mamatay, pero takot akong tumanda.

 

OK FINE, JOKE LANG. Basta, eto na lang; kapag dumating ang pagkakataon na ang taba taba ko na, tipong 180lbs plus plus, tapos ang itim itim ko na na maraming tigyawat, tapos naging sunog buhok ko, tapos di ko man lang makuhang ngumiti, please paki patay ako. Let’s just call it, assisted suicide.

 

Sa lahat ng sinabi ko, bahala ka na kung gusto mo akong seryosohin o hindi.

Advertisement

2 Comments

  1. emo mode ah.. hahaha.. pero may point ka rin dun sa ibang sinabi mo..
    naku teh, kapag tumaba ka pa lalo ewan ko na lang..

    • damdamn
    • Posted July 5, 2011 at 2:24 am
    • Permalink

    axel, its satire… di ako emo. hehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.