Skip navigation

Magmahal ka ng para ka lang kabit. Yung walang inaasahang gaanong kapalit. Yung hindi mo halos maaway kahit naiinis ka na dahil natatakot kang mawala sya at bumalik sa una. Yung kaya mong palampasin dahil alam mong hindi naman nya madalas gawain ang kinaiiritahan mo. Yung sinusulit mo ang bawat oras na akala mo isang buwan kayong hindi magkikitang muli. Sasagarin bawat minuto para lang makasama sya. Lagi kang pumustura at magpaganda. Dapat laging mabango at bawal ang panty na butas. Bawal ang losyang. Sige ka, maghahanap sa iba yan. Iparamdam mo ang nais mo at sabihin mo ng diretso kung anong balak mo dahil kapos ang panahon na magkasama kayo. Walang hulaan ng nararamdaman. Hindi nya rin naman kayang tumbukin ang iyong pinahuhulaan.

Magmahal ka ng parang batang naghihintay ng limos. Ipaalam mo ang pangangailangan mong hindi naman pagmamalabis. Yung nararapat na atensyon. Yung hindi papansin at nangungulit. Huwag kang epal sa lakad nya. Paglilimusan ka naman kung gusto talagang magbigay. Wag mong agawin ang oras at panahon nya sa iba. Oo nga ikaw na ang pinili nya, pero mas nauna pa rin sila. Ilagay mo sarili mo sa lugar. Umarte ng ayon sa itsura mo.

Magmahal ka ng parang sampid ka lang na nakikitira. Matuto kang makisama para matutunan ka rin igalang at pakisamahan. Pero wag kang mag papauto. Magkaiba ang mapagbigay sa boba. Magiinarte ka lang kung may regla at bilog ang buwan para kahit paano may “dahilan”. Kung may issue ka, sabihin mo ng maayos. Kung galit ka, wag kang sisigaw. Pwede mag mura, pero wag kang sisigaw. Lalong wag mong sisirain ang gamit na hindi iyo. Malawak ang pader, suntukin mo kung kaya mo. Basagin mo lang ang gamit na iyo, pero linisin mo rin pagkatapos. Ikaw na nga lang nagwala, iba pa ba ang magliligpit? At lalong wag na wag kang mananakit ng pisikal. Foul yun. Magagalit ang batas, pati si papa gawd.

Magmahal ka ng para ka lang batang nagaabang ng hapon para may kasamang kalaro pero sa paglubog ng araw, tandaan mo mag isa ka lang ulit. Wag mong isipin na di mo kayang maglibang ng walang kasama.

Magmahal ka. Kahit dati ilang beses ka ng nagkamali. Kahit ilang balde na ng luha ang sinalo ng kumot at unan mo. Kahit inaaway ka na ng kapatid at sinisigawan na “tumigil ka na”. Magmahal ka. Basta, wag kang titigil. Kahit ilan na ang nagsabing, “tama na”.

One Comment

  1. oo. para saan ang buhay kung hindi magmamahal. magmahal lang ng magmahal. pero, lumugar na nga lang. . .

    piliin ang masayang pag-ibig. meron nun. (=

    labyaaaaaaaaan!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.