lisensyahan na yan! February 18, 2009
Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam tanongtanong.trackback
Hindi ko alam kung saan ko ito narinig pero…
Ang marriage license dapat renewable every year o every 3 years, parang lisensya ng driver lang.
Kung magiging ganito na kaya ang patakaran, kamusta naman ang pag aamok ng relihiyon na ayaw ng diborsyo? Pero ang exciting sigurong ng abangan nito taun-taon. Mantakin mo, hindi na mauuso ang “taking each other forgranted” issue. Halos buwan-buwan pa rin kayong nag liligawan kung sakaling mahal nyo talaga ang isa’t-isa. Dahil shempre, matatakot ang isa sa inyo na baka din a mag renew ang isa. Walang pangakong mapapko si mister o si misis. Takot lang nila sa isa’t-isa.
Fair enough din sa mga nag subok ngunit bigo. At least, di na sila dadaan pa sa masalimuot na proseso ng annulment or divorce at wala ng mahabang palinawagan sa korte kung bakit kailangan i-grant ang request nilang maghiwalay ng opisyal. Mas less ang scandalo.
So ano na? signature campaign na tayo para sa ideyang ito? Tara lets! Ahahaha!
—————
Isang dapat pang ginagawan ng lisensya o restriction ay ang pagpaparami ng anak. Dapat may limit siguro na hanggang 4 lang (o 2 lang) tapos kung gusto nilang mag anak pa ng marami e dapat ma reach ng mga magulang ang certain level of financial income at pasadong psycho test.
Sa ganitong paraan, mabibigyan (daw) ng maayos na kinabukasan at sapat na opurtunidad ang bawat batang ipapanganak. Hindi na naman na siguro ganun ka tututol ang mga relihiyong di payag sa family planning. Hindi bat sa bawat karapatan ay may nakakabit na responsibilidad?
—————
Dapat rin daw multa ng mga nag momotor. Hindi sa ayaw ko sa mga scooter at mga motor na nagsilipana sa daan na wala ng ginawa kundi ang magtahi ng kalsada na akala mo ba ay lagging mga natatae sa paspas karipas ng takbo. Sadyang dumadami lang talaga ang mga de-motor na nakakalimot bitbitin ang kanilang utak sa tuwing aalis sila ng bahay.
Kung tataasan ang multa sa bawat violation nila e nasa malamang e matuto silang mang hinayang sa pera at mapipilitan silang dumisilina sa daan.
—————
Minsan kasi pag di madaan sa pakiusap, mas ayus na rin na gawan ng batas o palitan ang nakagawian. Wala naman masama sa pag babago, lalo na kung marami ang makikinabang at para sa ikasasaya ng lahat. Masyado ng masalimuot ang buhay, kaya kung di pa tayo gagawa ng pagbabago, at aangal lang tayo ng aangal e ano pang saysay ng mga putok ng butsi natin?
—————
At oo, yung last paragraph lang ata ang may saysay sa mga sinabi ko.
agree ako jan sa renewable chorva na yan….
dahil di na uso ang happily ever after na dramahan…
go go go gurl! asan ba ang pipirmahan??
agree ako dun sa pangalawa. dapat talaga hanggang 2 o apat o may limit ang paganak. mahirap ang buhay at para magkaroon ng sapat na oportunidad ang bawat isa.
at parang inulit ko lang uyng sinabi mo. hahaha.
maganda ang entry mo na ito ning, PANALO!
Okay, DAMDAM FOR PRESIDENT! Hahaha.
mahirap ata yan pero i think that will be for the better! at least we’re going to strive na magkaroon ng lisensya di ba? ^^
ok yang mga lisensya na yan,
at dadami ang mga garapal na fixer.
dapat may mga lisensya din ang mga fixer. lol.
haha ayus, mas ok nga yung ganun renewable, dahil hindi naman masaya sa kinahihinatnan ng marriage nila, pero mas agree ako dun sa pagpapadami ng anak. Marami kz anak ng anak di naman nila kayang buhayin at bigyan ng magandang kinabukasan.
a basta, pag ako naging pangulo ng pinas e imumunkahi ko na lahat ng tao ay hubad nalang para walang tinatago.
natawa ako sa una. meron kse kaming tito & tita na nag “renew” ng wedding vows nila. kinasal ulet sa church, nag-reception. sabi ng isang uncle ko when he learned about it: “aba, nage-expire pala ang wedding vows at kailangang i-renew?!?” hahaha.
i also agree with the 2nd one. baket ba naman kse si lord, andaming couples na gustong magka-anak. financially able naman to raise a child. ayaw pang bigyan. mas binibigyan pa ang mga purita na wala naman mapakain sa mga anak nila (ahm, do i sound bitter ba? hehe).
nga pala, i already did your tag. :)