jump to navigation

napurnada kong balentaymsn February 14, 2009

Posted by damdamn in damdam shareshare.
trackback

Hindi kami natuloy ng kadate ko ngayong balentayms! BAKIT?

Ganito kasi yun. Tinanong ko sya kung gusto ba nyang lumabas ng sabado, kasi nga balentayms. Sabi nya, sige at san naman daw kami pupunta. Sabi ko, sa dati. Sabi nya sige.

Edi ayus na sana. So ayan, nag paplano pa ako kung saan kami kakain at kung mag sasama ba kami ng iba. Naisip ko ‘wag na nga lang kasi quality time namin yun. Tutal sa sobrang busy ko, bihira na kami makalabas.

BIYERNES:

“Ano, tuloy tayo?”

“sige”

SABADO:

Nag punta ako ng mall ng mga bandang magtatanghalian. Nagpagawa kasi ako ng susi ng kotse(na leche nakita ko rin yung na misplace ko). So given na babae ako at nasa mall, malamang naglibot-libot pa ako. Napansin ko rin kasi lately na palabasa sya, so ayun nag hanap ako ng mga pwede nyang basahin na reading materials na sa tingin ko e magugustuhan nya.

Nagpa carwash ako, kasi sabi nya ayaw daw nya na madumi yung kotse. Di ko na daw napapalinis. Fine. Pinacarwash ko.

After kong magpacarwash, shempre kailangan kong magkikay. Nag pa pedicure ako. Nagsasawa na raw kasi sya sa kulay ng nail polish ko. Palitan ko na daw ng iba at laging ganun na lang daw ang color. So, pinapalitan ko.

Sobrang excited ko nitong araw na ito. As in. Teka, ‘di pa tapos!

Pag balik ko, nakipag kwentuhan muna ako at nabanggit ko na ang daming tao sa mall at medjo may katrapikan na nga. Nakita ko sya, lumabas ng kwarto, hawak yung remote ng tv. Nag smile, tinanong kung ano yung dala ko. Sabi ko gift ko sa kanya sabay abot. Kinuha nya, bumalik sa kwarto, nagpatay ng tv at nagbasa.

Sinundan ko. Tinanong ko sya, tuloy ba kami. Sabi nya ‘wag na lang daw. Kasi daw narinig nya na maraming tao at trapik. Ayaw na daw nyang umalis, mag babasa na lang sya at matutulog. Sabi ko wala masyado kaya. At nagpalusot pa ako! Sabi ba naman sa akin “sabi mo maraming tao kasi valentines!” Tulog na lang tayo pahinga ka na lang.

Napaka buti ng anak ko ano?

Innate nga ata sa mga lalaki ang ganyang ugali. Haynako! Kamusta naman kaming dalawa pag lumaki ‘to?!

Comments»

1. The Gasoline Dude - February 14, 2009

Awww… pareho lang ba ang feeling nun? ‘Yung ang magka-cancel eh either si Santi o kahit na sinong boylet na dine-deyt mo? Hehehe. = D

Pero at least mukhang sincere si Santi at concern siya talaga sa ‘yo. *LOLz*

2. mnel - February 14, 2009

Hehe. Bata palang nandiyan na ang mga senyales. Let this be a warning to Santi’s future dates and girlfriends. Haha. Ang cute! :D

3. greenpinoy - February 14, 2009

achehe si santi pala LOL!!!!

4. mayui - February 15, 2009

nakakatuwa, ang kulit! :D
ilang taon na nga ba siya?

5. Meryl - February 15, 2009

Hahaha. Ang sweet naman ni anak. Haha, naaaliw ako sa mga batang ganyan. :)

6. popoy - February 16, 2009

ahaahah. si santi pala ang kadate mo dapat. ahihihi :D

you enjoyed naman the balentayms with friends diba? okey na yun. basta naging masaya sa araw na yun okey na yun :D

7. Ax - February 16, 2009

nakow, sayang naman at di natuloy! pwede namang gawin feb 21 ang valentines, or set a date and enjoy the kunyari-valentines-ngayon theme! hehe. :)

8. lyzius - February 16, 2009

me punto naman sya mommy….

mababad trip ka lang sa dami ng tao sa labas…

9. antuken - February 25, 2009

ang cute ni santi! sayo ba sya nagmana ng kakulitan dam?