ang nasa likod ng pinilakang tabing January 31, 2009
Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam shareshare.trackback
Nakapanood ka na ba ng old movies? Yung palabas na in black and white pa na kadalasan napapanood mo na lang sa MGM channel pag gabi na? Napansin mo ba na ang gaganda ng mga babae dun. Parang walang kapintasan at napaka eleganteng tignan. Mayumi at walang bahid ng latay ng stress. Ang sarap nilang titigan at panooring kumanta o sumayaw. Malamyos ang kilos at tunay na nakabibighani.
Nung bata ako, akala ko, lalaki akong tulad nila (hindi black and white ha). Nangarap maging mabighani at kaaya-aya sa mata. Walang ibang iisipin kundi ang mag suklay ng buhok gamit ang malaking brush at humarap sa higanteng salamin. Mamimili sa loob aparador ng magarang damit at dumalo sa isang engrandeng pagtitipon at isasayaw ako ng maginoo at gwapong lalaki.
Ngunit iba ang realidad sa palabas. Sa realidad, ang pagsusuklay ay bilang na bilang ang hagod, may kaagaw ka pa sa salamin. Hindi mo kailangan mag suot ng magarang damit dahil hindi naman engrade ang pupuntahan dahil mag babanat ka lang naman ng buto at swerte mo na lang kung makasabay mo sa elevator ang krass mo at mapansin nya ang nakagawian mo ng outfit. At pag uwi mo, swerte mo na lang kung hindi mo baon ang stress mula sa pinanggalingan mo.
Pero kung tutuusin mas masaya ang realidad. Ang pag hahanap mo ng ikaliligaya mo hindi ka nakatali sa dalawang oras na gaya ng sa palabas. Buong buhay kang makikipag hulaan sa tadhana at makikipag bolahan sa mga sitwasyong dumadating. Ang kumplikasyon ang tunay na nagbibigay ng kulay sa bawat black and white nating buhay na sinimulan. Habang tumatagal, patingkad ng patingkad at lalong pumupusyaw ang paligid. Gumaganda ka at nagiging mabighani sa paraan ng pag dadala mo ng iyong sarili at sa pagpili ng samu’t-saring karakter na pwedeng pagpilian. Nasa desisyon mo kung balak mong maging maganda sa loob at labas.
Walang script na dapat sundan at kailangang kabisaduhin. Hindi bilang ang kilos mo na dapat sumabay sa tugtugin, pwedeng mag freestyle. Pwedeng pumiyok sa inaawit at tumawa pag nagkamali.
Yun nga lang, ang masarap sa palabas… may take two.
Pero ipupusta ko, kung sakaling gagawing pelikula ang buhay mo, mahihirapan kang pumili ng yugto ng isasa-pelikula, dahil ang totoo nyan bawat yugto nito ay mahalaga sa iyo at hindi pwedeng maikwento ng dalawang oras lamang.
tama, mahihirapan tayo pumili kung anong part.. dahil sabi mo nga hindi pwedeng 24 hrs lang kahit nga 24 hrs na movie pa, di pa sapat! siguro telenobela na lang ^^ matagal tagal..
i loved watching old movies too! nung di pa uso ang cable sa amin (oo, promdi ako) love ko yang E! tapos biglang nawala sa ere. at ngayon na may cable na dito. ako naman ang walang panahon para manood.
if i were to choose kung alin ang ite-take two? di bale na lang, ayoko ma-stress. hehe.
tsaka mare ang mga boses ng mga babae nun ang titinis…parang laging naiipitan ng clitoris
Tama. Nag-agree ako sa last part.
Hindi talaga pwede. Lahat kasi importante, walang pwedeng palampasin. :)
Sauce… parang ilaw lang sa beerhouse yang black and white – tinatago ang tunay na kulay.