jump to navigation

isang tagpo sa buhay ni damdam at santi ep 3 December 29, 2008

Posted by damdamn in isang tagpo sa buhay ni damdam at santi.
9 comments

Nalalapit na ang bagong taon at eto na ata ang pinaka paborito kong tagpo sa buhay naming mang-ina para sa taon na ito:

Isang umaga, kakagaling ko lang sa opisina at naabutan ko sila ermats at erpats na nag aalmusal. Bumati ako ng the usual whats up namin na isang matamis na ngiti sa lahat. Umupo sa aking designated dinning chair at kumuha ng isang pirasong hotdog at pandesal. At inulan na ako ng sermon dahil wala na daw akong ginawa kundi ang magtrabaho at umuwi. Dun ko lang nalaman na masama pala yun. Naman!

Ang punto nila e, mag exercise naman daw ako dahil ang laki na ng nilobo ko. At oo, sinabihan ako ng aking mahal na mga magulang na ang taba taba ko na. Napakasakit ng mga paratang nila. Parang isang krimen ang ginawa ko sa akin katawan daw. Sos yan!

Sa pag inarte ko, pinaspasan ko ang subo ng hotdog (wholesome) at nagtungo ako sa kwarto kung nasaan nakahilata ang aking gwapong anak na si Santi at nanonood ng cartoons. So busy si mokong. Seryoso kasi manood yun, ayaw paistorbo. Kala mo documentary ang pinapanood, walang kamatayang Tom ang Jerry lang naman.

Tinanong ko sya:

damdam: Anak, mataba na ba si Mommy?

santi: (tinignan lang ako mula ulo hanggang paanag irap, at nanood muli)

damdam: Santi, sexy pa ba si Mommy?

santi: (tinignan ako uli) Alam mo… Mahal kita.

Hindi na ako kinibo ng anak ko. Nagtampo ako pumasok sa kwarto ni utol at kinuwento ang nangyari. Tapos gagong PB na yun ang lakas ng tawa! (tataba ka rin ungas…)

naalala ko lang naman… December 24, 2008

Posted by damdamn in damdam shareshare.
comments closed

Naalala ko lang:

…Nang minsan pauwi tayo nun mula sa tambayan. Gaya ng madalas ikaw ang mag mamaneho para sa akin hanggang apartment mo. Tapos mag lalambing ka na wag muna akong umuwi, samahan muna kita kahit tatlong stick lang ng yosi. Tapos pag lulutuan mo ako ng walang sawang prito at instant pancit canton.

…Nang minsan wala akong kasama sa may hagdan, bigla ka nag text.  Sabi mo nakita mo ako habang nasa kotse ka. Wag akong umalis at sasamahan mo ako. Tatlong oras tayo nandun. Parang kala mo walang ibang araw para mag kulitan.

…Nang minsan sabayan mo ako sa pag kanta. Ikaw mag gui-guitara ako mag kakamali sa mga linya… at ikaw matatawa.

…Nang minsan wala tayong magawa, dahil nag sasawa na tayo sa kakainom. Nag isip tayo ng gagawin at dun nabuo ang mga joy ride natin sa kung saan-saan. Hanggat may gas at may yosi, sige lang, kahit saan mapadpad.

…Nang minsan nag-init ang ulo mo sa isang di mapalampas na bagay, at sabi mo wag akong matakot sa angal mo. Ako pa pinangiti mo nuon dahil nakikita mo na nag aalala na ako

…Nang minsan pagod na pagod na ako tapos nagkita tayo, sabi mo umupo na lang ako. Di ko namalayan nakatulog na ako sa tabi mo tapos pag gising ko yung jacket mo naka kumot na sa akin.

…Nang minsan ako naman ang mainit ang ulo at gusto kong uminom ng walang humpay, kaso ayaw ko dahil mag mamaneho pa pauwi. Pinangako mo na hindi ka iinom ng sobra at ikaw na ang mag hahatid sa akini. Ako si tanga pumayag. Hindi ko alam paano ako nakaabot sa kama mo at paggising ko may almusal pa ako at yosing nakahanda.

…Nang minsan nawalan ako ng wallet, lahat ng litrato nandun. Makalipas ang isang lingo nag pa develop ka ng pictures natin, at nilagay mo sa wallet na regalo mo. (ayun nawala ulit yung wallet, wala na akong picture natin)

…Nang minsan puyat at sabog na ako sa dami ng papers ko. Tulala na ako at wala sa hulog habang nakatambak ako sa bahay mo. Gumawa ka ng playlist sa computer mo na pinangalan mo sa akin at sabi mo patutugin ko pag ngarag na ako.

…Nang minsan mugto ang mata ko dahil nag hiwalay kami nuon. Hindi ka na nagtanong ng kung anong nangyari. Inakap mo na lang ako at sabi mo “kaya mo yan… ikaw pa”

Kung wala ka nuon, matagal bago ko makaya.

At nung nawala ka na

dun ko lang nalaman

mahal na pala kita…

buktot December 15, 2008

Posted by damdamn in damdam sulatsulat.
3 comments

Lahat tayo ay may sumpang kakambal ng isinilang. Sa ayaw mo man mo gusto. Hindi ka banal. Lagi tayong nauudyok ng ating isipin at tinutulak ng ating imahenasyon sa mga bawal. At sa isang sulok ng utak mo hinihiling mo ang isang bagay na hindi mo rin gustong sambitin dahil alam mong kasuklam-suklam ang nais mong mangyari sa iyong kapwa. Iniilusyon mo kung paano mo gagawin ang maitim mong balak, ngunit tao ka lang, walang kapangyarihan na pasunurin ang lahat at naiisip mo rin na wala kang sapat na lakas ng loob. Ito ang ang isa sa mga ninga-ngani-ngani, agam-agam at ligalig na nag dadagdag ng kulay sa hiwaga ng buhay. Ang iyong kabuktutang sikreto.

Ngayong pa at nalalapit ang pasko, hindi ito ang tamang oras para pag usapan ito. Kung kaya, hindi ko muna tatapusin. Next year na… Puro kasalbahian lang ang isisiwalat ko. At malamang di ako maka receive ng gift kay santa pag tinuloy ko pa itong entry na to. Next year tatapusin ko rin. k? k.

re post: dahil di ko kayang ipaliwanag ulit… December 11, 2008

Posted by damdamn in damdam isip-isip.
3 comments

Papaano
by -damdam-

Paano tapusin ang bagay
na hindi naman nasimulan?
Paano hanapin, magsusumamo,
sa pagkakataong di naman natamo,
Matimyas na ngiti at malamyos na akap,
ang dumatal ay hangin lamang
Paano kong pababayaan,
ang hindi naging akin man lang?

Paano ko maiiwanan,
hindi naman dinatnan?
Sumalubong ng parating
ng walang talatakdaan.
Manglunggati ng dilat,
kahit nakatirik sa arawan
Ang diwang tulog at pusong durog,
konsensyang nagtatawanan.

Paano wakasan ang lahat,
nang walang namang niluwal.
At paano sumuway sa batas
ng walang nagbabawal?
Paano magpapaalam,
sa hindi naman humantong?
At lisanin ang lugar
na hindi naman natunton?

*pasok gary v.. nawawala bumabalik heto na naman!

just one wish this christmas December 9, 2008

Posted by damdamn in damdam tanongtanong.
comments closed

Kamusta? Balita ko nga busy ka sa maraming bagay. Naayos mo na ba yung sa kabilang bahay at sa kotse? Hindi pa rin tapos? Sige good luck sa pag aayos nyan. Alam kong di ka pa rin nag babago. Sa huli ka na kikilos.

Hindi ba nabanggit sa iyo ng kahit na sino, na araw-araw kang hinahanap ni santi? Nag tatanong ng kailan ka darating? O kailan kayo lalabas o bisitahin man lang sya? Hindi na sangol ang anak natin, nag kakaisip na sya. Nagpaturo pa sya kung paano tumawag sa inyo. Alam mo ba, memorize na nya landline number mo. Pero wala naman sumasagot. Kung makikita mo lang kung paano malanta ang itsura nya sa tuwing ibaba nya ang telepono ng bigo. Minsan, itatanong nya kung turn mo na bang mag abot ng needs nya. Kasi daw baka sakaling makita ka nya. Kaso, sa tuwing turn mo na mag bigay ng needs nya, dadaan ka lang tapos iaabot sa gate, tapos aalis ka na.

Hindi kita mapuntahan naman sa bahay ninyo, dahil ayoko na magtalo pa kayo ng girlfriend mo. Pero sana naman, kahit ilang pulgada e pantayan mo pag uunawa ko sa sitwasyon nyo ni ella sa sitwasyon nyo ni santi. Wala akong balak palakihin ang anak natin ng may hinanakit sa iyo lalo pa at wala naman tayong galit sa isa’t isa.

Dati rati, naiintindihan ko kung bakit di ka makapunta sa bahay namin dahil nga nandun ang tatay ko at ayaw mo ng aberya. Naiintindihan ko, pinag taggol at pinag takpan pa kita sa magulang ko kung tutuusin. Ngayon, di ko na alam kung ano naman ang bago mong rason. Sabihin mo, baka sakaling kaya kong pag takpan rin kay santi. Kung ayaw kang papuntahin dito ni ella, papaintindi ko kay santi yun. Kung wala kang pang gas, susunduin kita, ihahatid pa kita pabalik mag papakain at kape pa ako. Kung wala kang oras, kami na mag aadjust para sa iyo. Makita ko lang mag ama ko na mag kasama kahit isang oras lang.

Nang minsan na tumawag ako sa cellphone mo, di mo sinagot. Sa halip isang text message mula sa girlfriend mo ang natanggap ko at nag tatanong “.. bakit? wala na bang gatas si santi?” Hindi ako tumawag para humingi ng kahit na ano ng araw na iyon, gusto ko lang maging ina para sa anak ko. Gumagawa lang ako ng paraan para man lang may maisagot ako sa mga tanong nya. Kung sa tipikal na separated parents ang magiging drama ng buhay ng anak natin, sabihin mo na agad ng maaga para hindi na ako nag hihikahos na ipaintindi sa kanya na “mahal ka ng daddy mo at namimiss ka rin nya” at hindi na ako naghahagilap ng rason sa follow up question nya na “talaga, e bakit di nya ako hinahanap?”

Magpakita ka man lang kay santi, ilabas mo naman sya. Kilala mo ako, hindi ako mahilig magsumamo pero, nagmamakaawa ako, maging ama ka man lang kahit isang araw lang para sa anak mo. Wala akong ibang hiniling sa iyo, kahit sustento wala, inaako ko na ang lahat kung tutuusin. Konting oras lang hinihingi ng anak mo.

Pero kung tinatalikuran mo na ang lahat sa kanya, sabihin mo lang. Hindi na ko na sya paaasahin pa.

Sana masaya pasko mo. Pahihintayin ko ba si santi na dadalaw ka sa araw na ito?

tumpak! December 4, 2008

Posted by damdamn in damdam isip-isip.
16 comments
EXACTY

EXACTY

Tumpak!

May iba ka pa bang mas matinong pag pipilian?

Nakakairitang isipin na sa halos lahat ng bagay na pag dedesisisyunan mo e walang perperktong sagot, walang swak na sulusyon. Que simleng ano ba ang dapat isuot hanggang sa pinaka-mahirap na issue ng 2 ply o 3 ply tissue?

Kadalasan sa ating mga solusyon ay marami tayong mga bagay na isinasaalang-alang(nabulol ako dun, try mo out loud sabihin) kaya tayo nahihirapan mag desisyon.  Mas maraming factors to consider, mas kumplikado.

Kung ano man ang pipiliin mong pintuan, try to convince your brain and your heart na yun ang gusto mo at panindigan mo. Mahalin mo desisyon mo at magpakasaya ka. But be brave enough and save a little courage para harapin ang mali kung sakaling palpak at aminin ang kamalian ng desisyon at… walang sisihan.

Tao ka lang. Pwedeng pwede kang magkamali ng pintuang pipiliin dahil madalas, sa mundong ‘to wala naman talagang absoulte na tama wala ring absolute na mali. Lahat relatibo, lahat subjective. Kaya wag kang matakot na pumili ng papasuking pinto. Buhay mo yan at desisyon mo pa rin ang mananaig.

To decide, to be at the level of choice, is to take responsibility for your life and to be in control of your life.

Abbie M Dale

complicating complication December 4, 2008

Posted by damdamn in damdam isip-isip.
5 comments

Makailang beses ka ng nakarinig ng mga ganitong linya?

“Alam kong maiintindihan mo ito. Mahal kita, pero hindi sang-ayon ang sitwasyon.”

“Kumplikado na ang sitwasyon nating dalawa, pagpapatuloy pa ba nating pakumplikahin ang lahat?”

or

“I love you, but things are just too complicated”

(pampamas!)

Pasensya ka. Hindi ka sapat na rason ang pagmamahal nya para ipagpatuloy nyo pa ang mga bagay-bagay na namamagitan sa inyo. Sa ganitong pagkakataon, ang salitang “complicated” ang panalo laban sa “pagmamahal”. Kaya kung nasabihan ka na nyan, wag ka ng maghabol, dahil nasa malamang may nakahanap na yan na mas… Mas maganda, mas matalino, mas utu-uto, o ang mas masakit na katotohanan e mas willing syang isugal ang lahat-lahat.

(Ouch!)

Sa ganitong “kumplikadong” sitwasyon, wag ka ng umapila. Hayaan mo na lang sya. Let go…

Pero kung tutuusin ang katagang “kumplikado e” e pinaikling bersyon lang ng mga sumusunod:

1.      Bobo ka at di ko kayang i-explain at wala akong panahon na ipaliwanag pa sa iyo, dahil di ko rin alam paano pa ka-klaruhin sa iyo ang lahat. Pagod na ako, bye.

2.      Mahal mo ako tapos mahal rin kita. E dumating sya, tapos mahal ko na rin sya. ‘Di naman pwedeng dalawa kayo ‘di ba? o Pwede ba?

3.      Mahal ko na sya dati pa, tapos dumating ka. Pero mas mahal ko pa rin sya, kaso mas magaling ka sa kama, so pwede ka. Kaso tandaan mo, mahal ko sya, ikaw sa kama.

Nga pala, hindi ito yung sa friendster na “it’s complicated” status lang ha. Yung “it’s complicated” dahil di naman kayo pero asal kayo, kayo. Pero on sekantot, pwede rin pala but not exactly like that lang.

Ito yung panibagong linya na maihahanay sa famous break-up lines tulad ng:

-          it’s not you, its me

-          but you were never there

-          if only I can teach myself to love you back

Ngayon pwede ng idagdag ang

-          Things are just too complicated for us.

Ahhh teh shet…

Kaya ka makikipag hiwalay e dahil sa marami ng kumplikasyon na mismong kayo lang din naman ang may gawa o alam nyo naman na sa simula pa lang e suntok a sa buwan ang lahat. Aminin mo na lang na tinamad ka na o nag sawa ka na at nakahanap ka ng mas kuportableng kama na hihigaan.

Dahil kung talagang nag mamahalan kayo, meaning two way ha (bawal assuming dito na dalawa kayo tapos yun pala ikaw lang ang nag a-iloveyou jan, kei?)- sabi nga ni atty sison…

Ipaglaban mo.

isang tagpo sa buhay ni damdam at santi ep 2 December 3, 2008

Posted by damdamn in isang tagpo sa buhay ni damdam at santi.
6 comments

*9:00PM ang pasok ko gabi-gabi at dapat gising ako ng mga 7:30PM para lang makumpleto ang ritwales ko bago pumasok.

Nitong mga nakaraang araw, hirap akong bumangon at lagi akong tumatawad ng 15mins bago tuluyang lisanain ang aking pagkakahimlay sa kamang malambot ni pb.

Pero kanina…

(damdam, tulog pa)

Santi: (pasigaw) Mommy! 8:30 na! Papasok ka pa!

Damdam: (biglang bangon) ‘Di nga? 8:30 na?

Santi: (ngumiti) teka, tatanong ko kay PB… (sabay labas ng kwarto ng naka ngisi)

*anak ka nga ni damdam! pero at least, di ako na late at may bago na akong human alarm clock.

TAG: 10 things that makes me smile December 3, 2008

Posted by damdamn in damdam shareshare, damdam tagtag.
4 comments

Mantakin mong dahil sa hindi ko ma update ang blogroll ko ay na-tag pala ako ni ayz.

Kailangan lang e magbigay ng sampung bagay na makakapagpangiti sa akin. At napaka hirap nito para sa akin, dahil sobrang babaw ko lang na tao, at mabilis lang akong pangitiin. So, ang gagawin ko e kung ano na lang maisip ko right this moment. Random, not in order ‘to.

1. Certain smell, song and climate

May specific na amoy, kanta at panahon na nagpapabalik sa akin sa nakalipas. Very nostalgic. at for sure mapapangiti ako ng sobra.

2. Sinigang na baboy na luto ni ermats

Kahit anong pagod at puyat at hang over pa yan, tanggal lahat ng iyan sa luto ni mama.

3. Ang malambing kong anak lalo na mabango sya at hindi makulit

I admit, hindi sa lahat ng pag kakataon e nakakatuwa si santi dahil grabe kulit ng batang yun. Oo na sige, may pinag manahan, blah blah blah. Pero ang mga biglaang lambing ni santi na “wala lang” talaga ang nakakapag pa ayyyy sa akin. Parang pusa lang yun, tulad ko, ayaw nung ng masyadong nilalambing, gusto nun sya ang nauuna manglambing. At yung pag natutulog sya, parang ang bait bait. Tapos ang sarap asarin! Sarap simsimin ng amoy.

4. Moments after kong kagatin si Pb.

Ang sarap nyang awayin e… ahahaha!

5. out of the blue text message or chat just to tell me sweet nothings

Yung mga biglaang message like “uyy na miss kita all of a sudden” or “naalala kita, dahil may pinapanood ako ngayon” or messages just to make me feel secured and calm and telling me he loves me (uyy!). Tsk, napaka sarap ng ngiti ko nun, at wala akong paki kahit bola sya. At least nag effort! (Tapos globe pa ako, smart sya.. ohohoy! clue o!)

6. Ayala Ave, Makati on a Sunday morning

Lalo na kung napaka ganda ng sikat ng araw. Ang sarap mag lakad lakad along Ayala ave or mag drive ng ganitong moment. Tapos uupo ka sa isang waiting area. Petix lang at uupo. Mag aabang sa wala.

7. Pera sa bulsa na akala mo walang laman

Parang Eureka! ang dating everytime nangyayari sa akin ‘to. “May pang bisyo na ako!”

8. 13 degree celsius cold beer

Do i have to elaborate? by the way 13 degrees ang ideal temp ng beer para delicioso!

9.  Favorite pictures ng mga mahal ko sa buhay at moments na inaasar ko sila pero di sila napipikon.

Friends pics and shempre picture ng aking epel ef the eye (na hindi ko pa rin i di-disclose kung sino). Muli, nag papasalamat ako sa mga friends ko na di napipikon sa aking katarayan (oo  na, inaamin ko ng mataray ako, pero alam nyo naman na carinyong brutal lang ako) i love you all.

10. and… Waking up right next to the person you really love. Never fails.

*now im tagging.. uhm.. popoy, pb, ruthan(hoy tama na hiatus!), antuken, at  rj.

binabantaan kita, kapag ako sinaktan mo. December 2, 2008

Posted by damdamn in damdam shareshare.
6 comments

Psst hoy babae… oo ikaw nga. Yung napakahilig mang hampas at manundot ng tagiliran? Frustrated holdaper ka ba at gustong gusto mong nanggrigripo? Bakit kala mo kung makahampas ka e close tayo? Di tayo close uulitin ko ha, HINDI TAYO CLOSE, at wala akong panahon makipagharutan sa iyo.

Hindi ko naman kasi maintindihan sa iyo kung bakit sa tuwing natutuwa ka sa kwento ko e kung makahampas ka e parang nasa pugad tayo ng lamok. Ok fine, malaki braso ko, pero naman, hindi ‘to palu-palo na pwede ka rin maki hampas pag tuwang tuwa ka na. maiintindihan ko pa kung kumakanta ako ng hit me baby one more time para hampasin mo ako ng paulit ulit.

Yung buhok ko, hindi laruan yan. Kung nakita mong “nakaayos” wag kang epal na guguluhin mo sya, at pag hindi kita pinansin e guguluhin mo pa lalo. At pag sinita ka e sasabihan mo ako na ang ganda ngbuhok ko sa tono na gigil ka na parang gusto mo akong kalbuhin.

May oras sa biruan at may oras sa mas biruan. Paano mo magegets ang alin sa alin. Problema mo na yan. Matuto kang tumancha. Eto tip, pag hindi kita nilalapitan, ibig sabihin wala akong pakialam sa iyo at wala ako sa mood makipag biruan. So therefore! dahil di naman ako lumalapit sa iyo, pwes now you know na wala akong panahon makipag biruan sa iyo.

At ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako tibo, at wala akong balak maging.

Pero di ako galit sa iyo. Baka kasi hampasin mo na naman ako e at di ako makapgpigil e sapakin kita.

*note: hindi iisang tao ang tinutukoy ko dito. So ang tamaan sapul na lang. Yung lurker dyan sa tabi tabi  peace tayo. Wag akong hahampasin, makakatikim ka ng stunner, people’s elbow at tomb stone, sige. This time tototohanin ko na.