jump to navigation

akala mo lang February 6, 2010

Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam sulatsulat, damdam tulatula.
add a comment

kahapon,
sinubukan kont timbangin ang lahat ng makita ko
inabot ako ng apat na oras sa pagtitimbang
alin ang magaan?
ano ang mas mabigat?
pag katapos kong manimbang
wala ako talagang natutunan talaga
weh ano naman kung alam ko bigat nya
nanimbang lang ako
nag sayang ng oras.

nung isang araw,
sinubukan kong ilagay ang lahat sa dalawang hanay
ano ang maganda sa pangit
alin ang mas magandang tignan
sa nakakabulag ng mata
hindi ko na lang tinuloy ng matagal
dahil hawak ko ang isang unan
na dati kong akap ng wala pa sya
at dati ko ring akap ng naroon na sya
at dati ring tagasalo ng luha ng wala na ulit sya
di ko alam kung sa maganda o pangit ko sya ilalagay

nung nakaraang linggo,
paulit ulit kong pinatugtog ang iisang kanta
pinag iisipan
kung isa ba itong ingay o musika
wala akong naintindihan
kahit nababasa ng utak ko ang mga linya
kahit umiindayog ako
hindi ko pa rin matutunan mahalin ang kanta
wala akong konklusyon
sa mga nota na pinagsamasama

kung anong tama
at alin wag gagawin
kung alin ang masarap
sa dapat wag ng isusubo
ang mabaho sa masangsang
ang kumportable
sa nakakairita
hindi ako ang mag didikta
at lalong hindi rin ikaw ang magsasabi ng alin
ang sa alin
sa kung ano ang totoo at sa sinungaling

hindi tayo, hindi rin sila.
hindi rin ngayon, o hindi kailan man magiging bukas.
walang ata, walang daw, walang sigurado.
wala lang lahat ng ito.
ang kasiyahan mo ay hindi ko kasiyahan
ang minamahal ko ay di mo minamahal
at ang gamot na iniinom mo
ay hindi lunas sa sakit ng kung sino
ang impotanteng yan ay hindi talaga importante

akala mo lang
dahil bukas, makalawa
iba na naman.

sa “pagtanda” ko February 1, 2010

Posted by damdamn in damdam sulatsulat, damdam tulatula.
4 comments

para akong batang nangangarap
“pag laki ko gusto ko maging iyo”
tapos
“ikaw akin lang”.
kukulayan ko ang damit
sa coloring book
ng paborito mong kulay
magaaral akong mag guitara
at pag di na ako sintunado
haharanahin kita
magiging doktor ako
pag nagkasakit ka
ako abugado mo
pag may nang-away sa iyo
arkitekto at inhinyero
ng dream house mo
at sabay nating pipinturahan
ang pader ng gagawin nating kwarto
magiging yaya ng mga anak natin
at driver mo tuwing mag gogrocery
yung farmville mo aayusin ko
pero di ko gagaliwn inbox ng facebook
pramis
pagaaralan kong magbasketball
para makalaro ko mga kuya mo
at magshoshopping tayo
sasabihin kung bagay nga ba sa iyo.
di kita aasarin sa tigyawat mo
pag magkakaroon ka na.
at di ko sasabayan ang pagtataray
pagdumating na ang bisita.

para akong batang nangagarap.
at gagawin ko lahat
para pag tanda sana natin
ikaw ang unang mukha sa umaga
at ikaw ang huli kong halik sa gabi.

Ang Pinakamalanding Tagpo ni Criselda at Piolo Pascual January 25, 2010

Posted by damdamn in damdam sulatsulat, damdam tangatanga.
8 comments

Birthday ng Lola ko, at napagisipang kumain na lang sa labas. As usual, Eastwood na naman. Napili naming ang kumain na lang ng dinner sa Serye. Pebrero pa, maginaw pero gaya ng madalas, naka dress pa rin ako. Walang paki sa lamig ng mga nalalabing araw ng nakaw na ginaw ng Pinas mula sa mga natutunawang nyebe ng mga karatig bansa. At shempre para kikay!

Tapos na. Naka pag order na ng mga paboritong putaheng pinoy; crisy pata, kare-kare, pinakbet, sinigang, at kung anu-ano pa. Busog na rin ang halos lahat, at sinimulan ng umorder ng panghimagas. At natural di ako umorder ng dessert. Iniisip ko kung paano makakasibat sa mesa para makapag bisyo.

Naisip kong magkunwaring may tatagpuing kaibigan sa may KFC. Malapit lang yun kung tutuusin. Sakto lang para matuloy ko ang masama kong balak sa baga ko. Nag paalam na ako, at gaya ng binalak na kasinungalingan, tagumpay, naka lusot ako sa mga tiyahin ko, pinsan, at lola. Muntik pang binalak ng isa na sumama, sabi ko wag na lang kasi nakakahiya dun sa katatagpuin ko. Kasinungalingan! Haha!

Habang naglalakad ako, kabilis ng karma nga naman. Wala akong lighter! Hinayaan ko na lang na makarating ang mga paa ko sa tapat ng KFC, malamang may lung center din dun. Baka may naninigarilyo din, at makakasindi rin ako. Pero ayun nga mabilis ang karma sa akin. Ang naabutan ko ay mga kababaihan na nasa labas na wari mo ay may inaabangan sa labas ng KFC.

Umupo na lamang ako sa may ledge malapit sa may harapan ng KFC. Nakita ko ang poster nila ng yogurt drink nila. Fine! Di na lang ako maninigarilyo. Bibili na lang ako drink as my dessert. Kaya, pumunta ako sa pinto, nakipag usap sa guardya na papasukin ako dahil bibibili ako at wala akong paki sa kung anong nandun sa loob que se hodang kung sino pa yan. Wala akong nakikitang Close na sign at customer ako so bibili ako. Wala syang nasabi pa. Pinapasok nya ako. Pumila na ako, pang-apat ata ako sa pila. Maya-mayang onti napansin ko, may nadagdagan sa pila at naging pang-lima na ako. Shempre, dala ang kasungitan ko, nasabi ko na lang ay “Huwaw nice, kanina pang apat ako, tapos nagging panglima na ngayon”. Pero kunwari may ka text pa rin ako. Alam kong nakatingin na sa akin ang mga tao sa paligid. At shempre wala pa rin akong paki, sabay evil smirk.

Nabawasan ang pila. Naging pang apat agad ako. May pumunta sa likod ko.

“Miss, sorry”
“Yes?” Hindi pa rin ako lumilingon.
“Im sorry, dapat pumila ako”
Tipid ang sagot ko “Oo nga, dapat nga naman”

Lumingon ako sa kanya, para ngumiti. Pero mas maganda ang ngiti nya sa akin pabalik. Nakatitig lang si Piolo. Nabura ang ngiti ko. Nahiya ako. Taena! Ang gwapo!

Ang dami nyang tanong; kanina pa ba daw ako naka pila, mag isa lang daw ba ako, may mesa na daw ba ako, share na lang daw kami. Nung ako na ang nasa harap ng counter, pinag isa na lang nya yung order namin. Siguro nag mamadali rin ang Piolo. He ordered gogo sandwich lang. Inabot ko na lang sa kanya yung 100 pesos para sa bayad ko sa drink ko. Ok, di nya tinanggap. Bilang peace offering na lang daw. Nag pasalamat ako at nag lakad palabas ng pinto.

Humabol sya. Oo teh, humbol sya.
“Hindi ko pa natatanong pangalan mo”
Parang tumigil ang palig sa pag galaw. May hangin na umiihip sa buhok kong biglang nagging mahaba. Nagkaraoon ng Gausian Blur ang background, sabay focus ng camera sa amin.Dun ko narealize na nanaginip lang ako. Fine. Kung panaginip ito, makikipag laro na ako. Kapalan ng mukha.

Bumalik sa normal ang kilos ng mundo.
“Hindi ko pa natatanong pangalan mo”
Tumigil ako at lumingon pabalik. Hindi ko alam na naghahabol pala sya, kaya ng lumingon ako, halos magbanggaan kami. TEH! Close! As in, super close. Buti di ako nag yosi kaya amoy normal pa hininga ko.
“Criselda”
“Im Piolo”

Pa-cute akong tumawa. Pero sa isip-isip ko “e taena pala neto e, malamang! Sino bang hindi nakakakilala sa iyo dito sa pinas?”

“Are you leaving na ba?”
“Naghihintay kasi sa akin family ko sa Serye, baka hanapin ako” papigil shempre.
“Pwede ko naman kainin tong sandwich ko habang naglalakad. I’ll walk you there”

Tatanggi pa ba ako? Shempre hindi. Tumingin sa akin si manong guard na inaway ko kanina. Napa ngit sabay iling na lang sya. Napa ngiti na lang din ako at iling. Binuksan ni manong guard ang pinto para sa amin. Ang daming babae sa labas na nakalabas ang mga jijicam at mga cellphone camera. Feel ko celebrity rin ako. At nakakairita pala ang ganun.

Thank you gawd! At naisipan ko talagang mag dress. At least kahit paano, hindi ako mukhang alalay at mukha talaga kaming nag deyt! Naks!

Naging mahalaga ang bawat hakbang naming habang kami ay naglalakad. May moments pa na halos matampon yung kinakain nya, tapos ako naman pinunasan ko agad yung bibig nya sa mga tapon-tapon nya dun. Nang malapit na kami sa Serye, tinanong nya ako.
“Sino pala nandyan? Buong family mo?
“oo, birthday kasi ng Lola ko, sumaglit lang ako sa KFC”
“ah okay sige, so i guess nakakahiyang pumasok pala sa loob kasama ka”
Gusto ko syang batukan, seryosong gusto ko syang bigwasan, tapos sasabihin ko DUH!

“sama ka na lang, for sure naman saglit lang to, I know youre busy”
“im not busy” tapos nakatingin lang sya sa akin. Ngumiti tapos hinila nya kamay ko. Parang kumpas ng tara excited ako. At pag pasok namin sa loob. Napatigil ang lahat. Sabay-sabay ngumiti. Parang may sumigaw ng CHEESE!

“La’, may makikibati”
“Happy birthday po. I can see that you have a very wonderful family”

Pinaupo nila si Piolo kasama namin. Bumalik ako sa upuan ko. Magkatapat na kami sa mesa. Ang sarap lang nyang titigan habang nagsasalita sya at nag kukwento at patiently answering the questions. May nagtanong sa kanya, kung kelan pa daw kami magkakilala.

“Kanina lang kami nagkita, pero parang ang tagal ko na syang hinahanap”

Eto ang panaginip na ayaw ko na talagang magising.

Tinanong ako ng Lola ko kung asan daw ba yung sinabi kong kikitain ko sa KFC. Sabi ko ang totoo e bibili lang ako ng yogurt shake dun, wala kasing ganun dito sa Serye, nagpalusot lang po ako, sabay kindat.

Matapos ang masayang pagtatanong sa kanya at mahusay nyang mga sagot, kinuha na ng tita ko ang bill. Binayaran. Sabay-sabay lumabas. Nag senyasan kung sino ang sasabay sa kotse ni kanino. Magkakaiba kasi ng pinuwestuhan sa parking lot. At dumating na pagkataon ko.

Tinanong ako ni Piolo
“uwi ka na rin?”
“bakit?”
“wala lang naman, ako nalang mag hahatid sa iyo, para alam ko rin san ka susunduin next time”

NAKS! Talagang feel nya na may next time! As if mananaginip pa ako ulit ng ganito!

Iniabot ko sa kapatid ko ang susi ng kotse. Tapos kinausap ni Piolo ang utol ko, sabi nya sya na daw maghahatid. At ang gago kong utol na si pb, sabi ba naman “ingat ka dyan, kahit si Piolo ka pa”. Gago lang eh noh?

Mas gumanda ang gabi kahit nag lakad lakad lang kami sa eastwoood. Umabot kami sa may fountain area sa may eastwood mall, tapos umupo lang sa isang bench dun. Nagkwentuhan ng kung anu-ano habang walang paki sa mga naglilingunang mga ulo sa amin.

“Hindi ka ba naiilang sa kanila?” tanong nya sa akin
“dapat ba akong mailang?”
“ano to, parang palabas ni aga, angelica at maricel?”
“napanood mo yun?”
“oo naman!”
“okay talo ka na”

Isang mabilis na halik sa pisngi ko ang kaparusahan ng kanyang pagkakamali sa napaka makesong laro.

Tapos.

Nagising na ako.

Hindi nya ako nahatid. Shempre hindi na nya ako masusundo sa susunod naming pagkikita.

Malanding umaga sa inyong lahat!

da who!? September 3, 2009

Posted by damdamn in damdam tangatanga, damdam tulatula.
3 comments

i have never seen this hue
this kind of blue
the feeling of unknown
of unusual emptiness
i should have made you stay
and told myself that i cant
that i wont
and i shouldnt

is it worth it?
would it be enough?
the blank mornings
and the dark afternoons
then teary evenings?
to see tomorrow alone
and never saw the sunset
like this

some things are worst
than i suppose
no matter how prepared
and courage shown
the hollow core
and chasing the yesterday
like a race of memories
rushing nearing end

please dont ask when
and how’s and the whys
the could have’s
and should have’s
i would never tell you
the whats’ of lonesome
and wheres’ of desolation
its just you..

you were the who.

tulirong nakatulalang nakatanga July 31, 2009

Posted by damdamn in damdam sulatsulat, damdam tulatula.
2 comments

napapatulala ako
nakatitig sa pinto
kung lalabas ba
o papasok

natutuliro ako
sa ikot ng relo
naghihintay ng darating
o nag aabang ng aalis

nakatanga ako
sinasapo ang hangin
di alam kungigignawin
o nanamnamim

may sasabihin ako
pasigaw? pabulong?
ang tulirong nakatulalang
nakatanga.

ang umiiwas sa pagtutumalinhaga June 18, 2009

Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam sulatsulat.
2 comments

may taong mas nais harapin kung ano lang ang tanaw ng na maabot ng kanyang mata. ang kaya lang ay punahin ang kung anong kayang maabot ng isip at pag hindi na nya masaklaw ang paliwanag na mas hihigit sa kanyang pang uunawa ay pilit na lalagyan ng tuldok at hangganan ang kung saan ay doon lang ang naabot. isasara ang isipan at magkukubli sa isang rason na patitibayin na dapat yun lang ang tama; walang labis, walang kulang.

hindi ko masisi ang mga ganyang tao. kung hanggang dalawang hakbang paabante lang ang kaya nilang lakarin at wala ng iuusad pa ang kanilang kakarampot na pag rarason. kung mas nais nilang magtago sa likod ng mga dahilan na panahon na ang gumasgas na sa katunayan e dumedepende sa sitwasyon naman talaga ang tamang sagot.

lahat tayo may pagkiling sa lahat ng ginagawa nating pagsang-ayon; maaring kaibigan mo kasi kaya ka napa-oo, maaring pareho kasi kayo ng pinagdaanan, o maaring nakikisimpatya ka lang dahil wala ka naman talagang alam at nakikisawsaw ka lang at gusto mo lang makidagdag sa pagiingay. lahat tayo lumilihis sa prinsipyo sa isang punto ng tadhana ng buhay dahil madalas kung minsan ang pagiging radikal ay mahirap pangatawanan at ang mayorya ay kayang umapak at sumira ng prinsipyo ng ganun-ganun lamang.

subukan mong mag kwento ng walang binibigay na pangalan. mag tanong ka sa iyong kaibigan kung ano ang gagawin nya at ano ang sa palagay nya ang tama. isang tanong na may kinalaman ang moralidad o pag ibig. pag katapos ay ulitin mo ang tanong at sa pag kakataong ito, lagyan mo ng pangalan. ikaw na ang humusga kung ano ang mga susunod nyang sasabihin.

walang siguradong mali, at lalong walang siguradong tama. ang mali ngayon maaring tama na bukas at ang akala mong tama ngayon ay maari mong pagsisihan sa hinaharap. ang tanging ikakapanalo mo lang ay kung ang pinang hahawakan mong dahilan sa simula pa lamang ay nagmula mismo sa iyo at hindi idinikta ng lipunan, ng kung sino mang pilosopo na iniidolo mo o nang sabay sabay na indak ng mga kasama mong iniisip mong dumadamay.

kung lumalakas ka dahil sa pagsang-ayon ng iba, mahusay. ang tanong papaano kung katamaran na nila ang pag sang-ayon sa iyo? kakayanin mo pa rin bang panindigan ang pinag lalaban mo? sapat ba ang rasong pinanghahawakan mo o payak at pang grade 1 lang ang katwiran mo dahil hindi mo inaakalang may mas hihigit na katunggali?

mag kakaiba tayo ng antas ng pang uunawa. kung hindi mo makita ang nakakubling imahe sa isang larawan wag mong pagpilitan at literalin ang kung ano lang kaya ng mata mo. hindi por que yan lang ang sinakop ng diwa mo ay hanggang diyan lang ang tama. maraming angulo ang maaring hindi mo nakikita at kung may mag turo man sa iyo ng ibang panulukan, magpasalamat ka dahil pinalalawak nya ang isipan mo para mas higitan pa at matunghayan mo ang iba pang kulay ng larawan.

walang masama sa pagsang-ayon. hindi ito tuwirang pag papakita ng kahinaan. sa aking palagay, pag papakita ito ng tapang na tumanggap ng maaring mali ka o tama ka rin pero may tama rin sila at may bagong kang napag-alaman.

pero kung gusto mong tanggapin na hanggang diyan ka na lang at ang 10 ay hindi pwedeng 6 + 4 at tanging 5 + 5 lang ang tamang tumbasan at gusto mong magmatigas… edi sige! buhay mo yan e!

at kahit na magkaanak kayo’t magkatuluyan balang araw May 30, 2009

Posted by damdamn in damdam sulatsulat, damdam tulatula.
1 comment so far

adik sa iyo

***

at sa tuwing maririnig ang linya

ng kantang isang buwan ng hinuhuni

pilit kinakalimutan ang alaalang

nagpangiti at nag pasawi

nagpaluha at nagpangiwi

***

ang kaadikang puspos

naghihimutok sa gapos

ng riyalidad na hindi pwede

kahit sa panginip na hiniram

na pinilit itabi

***

gusto kitang angkinin

hagkan ng parang akin

titigan at paghubarin

simsimin, amuyin

ang saglit namnamin

***

nangangambang pagkahumaling

mahintakutang halinghing

ng tawanan ng katotohanan

na kailanman hindi

loob mo malalambing

***

isa kang droga

pinagbabawal ng aking sistema

nababaliw sa katapatan

ng sugapa ko ng diwa

ng puso kong tanga-tanga

***

natatakot, nasisindak

sa kaadikan nagtutulak

pagpilitan ang pagtanggi

nang di sapat na sarili

ihandog ang wala namang silbi

*maraming salamat sa nagdulot ng ispirasyon ng tulang ito ng dahil sa tumblr entry nya. kilala mo na kung sino ka. at oh! alam mo na yun*

Plurk re-post April 26, 2009

Posted by damdamn in damdam isip-isip, damdam shareshare, damdam sulatsulat, damdam tulatula.
1 comment so far

☆ningning☆ may mangingisda sa timeline ko, may paasang naglalako ng emosyon, may nagoyo ng imperyalistang kumpanya, mga aliping sagigilid..

posted on April 15, 2009 at 09:27AM..

gustong mangutya pero di magawa, may tinatamad, may parang walang bukas.

at putang inang buhay to hindi ako makapagblog.

may nangangarap ng kahapon, may gustong pumatay ng oras ngayon, may gustong umasa para bukas.

may nais na makamtan na lumipas, pagkakataon na kupas kupas..

at tumula ang isang pulpol na makata, gusto lang naman magpaalam sa perya.

paalam, ako ay yayao. ayaw ko muna makabasa ng panggago. kung ikaw tinamaan pasensyahan

may kumakatok para sa kakarampot na tulog (1)

at magpumiglas sa sa hitik na inet ng panahon.

panahon ng araw o panahon ng damdamin, maaring pareho maaring sameng.

putang ina pigilan nyo ako seryoso ang daming salita sa utak ko. inaatake ako ng galit ng ligayang wagas

at pinaluluha ng galak.

at mayrron ding naghahanap ng panandaliang atensyon (1)

atensyon na kakanlong sa natutulog na apeksyon?

oo marami, nariyan sa tabi tabi, nagsusumamo nagmamakaawa palimos ng wag itatwa

sabay sabay ang bigkas at talas ng dila at labing tuliro, mga daliring sumusunod sa utak na pagod.

at itatanong kong muli, bakit ako nagpapaka baliw ? kahibangan na ginigiliw? nag aalab ang kasamaan at poot, bakit dinuduyan at sinasaliw?

ang oyayi at huni ng konsensya ng kaluluwang simisigaw ng “tama na!”

http://www.plurk.com/p/o8fq3

*to learn more about plurk, visit plurk.com (malamang…. sos)

(1) from a plurk friend.

siyam na buwan March 31, 2009

Posted by damdamn in damdam shareshare, damdam tangatanga.
9 comments


no smoking, no drinking for 9 months.

nope! im not pregnant. and that’s the point! i successfully did it 6 years ago, then there is no need to worry. i can do this

this is just a personal dare. wish me luck!

isang tagpo sa buhay ni damdam at santi ep5 March 14, 2009

Posted by damdamn in isang tagpo sa buhay ni damdam at santi.
13 comments

Isang umaga ng Sabado, binati ko ang anak ko para sa napakagandang resulta ng kanya mga exams.

At dahil dyan, sinigurado kong hindi talaga nangopya ang anak ko, so ayun tinanong ko sya ng kung anu-ano.

Nang nasa punto na kami ng “ANO ANG PAMBANSANG…” aba bibo kid si kabisote! Memorize. At dahil isa akong sadistang tumatanong, nagtanong ako ng medjo may kinalaman pero mapapaisip sya.

Damdam: Asan ang color blue ng bandila ng Pilipinas?

Santi: Nasa taas.

Damdam: Galing. E yung pula nasaan?

Santi: Sa baba!

Damdam: okay, Ilan ang stars ng bandila natin?

Nag-isip. Ang tagal. Siguro mga 30 seconds.

Santi: Apat!

Damdam: Apat?! Edi ba tatlo lang, dahil yung isa a…. aww.

At dun narealize kong mali nga naman yung tanong ko.

Apat nga naman kasi!